13: ---

2.8K 154 26
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"Bliss may naghihintay sa'yo sa labas. Ayaw pumasok e." Napalingon ako kay Yaya Rita na nakadungaw ang ulo sa pinto na siyang nagsalita.

Matanda na si Yaya Rita kaya naman hindi na siya pinaalis pa nila Mom dito sa bahay. Wala kasi itong sariling pamilya dahil hindi na siya nakapag-asawa dahil mas inuna ni Yaya Rita ang sustentuhan ang pamilya niya noon. Kaya naman ay dito na lang siya namamalagi at naging parte na ng pamilya namin.

"Sino raw po?" tanong ko habang ipinapasok sa maliit at puti kong bag ang binder ko na sakto lang ang laki roon at ang pencil case ko na kulay basil green.

"Hindi ko na natanong, anak. Babain mo na nga at pag miryendahin mo muna bago ka pumasok. Kanina pa 'yon sa baba, hindi naman gustong pumasok."

"Sige po, susunod na po ako." Tumango ito at sinarado na ang pinto.

2:30 pa lang ng hapon kaya mahaba pa ang oras ko para maghanda papasok. Alas kwarto kasi ang simula ng pasok ko para sa unang klase at 5:30 hanggang 7 naman ng gabi ang pangalawang subject ko.

Sinilip ko muna ang sarili ko sa salamin bago dumampot ng gray na jacket na paniguradong gagamitin ko mamaya. Naka-fitted t-shirt lang kasi ako na puti at maong na pantalonn na pinarisan ko ng puting sneakers. Hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ko naman kailangan 'yon at baka magmukha lang akong payaso at hindi tao.

Nadatnan ko si Mom at Dad nang makababa ako sa salas habang kalong ni Mom si Yogurt. Si Cloud naman at Vanilla ay nasa sahig at parehong nakahiga. Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko ang nagbigay kay Yogurt, si Ken. Kung bakit ba naman kasi kailangan pang umalis, e. That night, five ng madaling araw na ata siya umuwi at talagang sinulit namin ang oras ng magkasama.

But since things are bound to happen, that afternoon ay hinatid na siya ng pamilya niya sa airport. Hindi na ako sumama pa dahil maraming tao. Pero ang sabi niya ay naiintindihan naman daw niya kaya okay lang.

"Oh Bliss, labasin mo na nga 'yong bisita mo at nahihiya atang pumasok." Naagaw ng boses ni Dad ang atensyon ko.

Iniwan ko sa sofa ang mga gamit ko at humalik sa pisngi nilang dalawa bago ako tuluyang lumabas. Pinatong ko sa balikat ko ang jacket at isinuot ang hood no'n sa ulo ko. May bubong naman ang daan papunta sa gate na may kalayuan sa mismong bahay kaya okay lang, pero maganda na rin ang sigurado.

"Hi," wika ng isang boses nang buksan ko ang gate.

Hindi ako agad na nakapag-react sa nabungaran ko, maging ang sumagot sa pagbati niya ay hindi ko na rin nagawa dahil sa hindi inaasahang makikita. Si Devyn na prenteng nakasandal sa itim na sasakyan niya. Simpleng itim na shirt lang ang suot nito at walang disenyo. Naka-maong na pantalon at itim na sneakers. Napakasimple lang niyang tingnan pero iba ang dating sa akin at naghahatid ng mga kakaibang pakiramdam sa aking kalooban. Bakit ba nakalimutan kong susunduin nga pala niya ako ngayon katulad nang sabi niya?

Hindi ko napaghandaan ang paglusob ng mga makukuli at maligalig na kuting sa puso ko nang ngitian niya ako. Muntik pa akong mabuway sa pagkakatayo ko nang bumilis at lumakas ng sobra ng tibok ng puso ko na parang nasa tapat lang ng tainga ko 'yon at walang habas na doon pumipintig ng malakas at mabilis.

Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng balanse ay nahawakan na niya ako sa magkabilang siko para alalayan. Mas nagkaroon tuloy ng dahilan para mas bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa maliit na distansya sa pagitan naming dalawa.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

"Okay lang," pigil ang hiningang sabi ko. Pasimple akong lumayo sa kaniya sa takot na marinig niya kung gaano kabilis at kalakas ang tibok ng puso ko, na siyang naging epekto niya sa akin.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon