27: Medicore

1.4K 102 8
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN
Medicore

Nakasimangot na pinanonood ko lang si Devyn sa mini celebration niya matapos ang halos apat oras na review na ginawa ko kasama siya.

Kanina pa talaga hindi mapatid ang pagngiti niya. Kung hindi ko lang siya kilala ay malamang sa malamang na napagkamalan ko na siyang baliw. Kasalukuyan niyang nilalantakan ang ice cream na nakita ko sa ref kanina. Actually, halos siya na nag umubos no'n dahil isang baso pa lang ang nakukuha ko na hindi ko pa nauubos habang siya ay nakakalahati na yung buong container. Gano'n kasaya?

"Para ka ng baliw," komento ko. Ngumiwi lang ako ng hindi man lang natinag ang ekspresyon niya. "Just make sure na walang halong kalokohan ang mga hihilingin mo, Devyn. Sinasabi ko talaga sa'yo."

"I know. I wouldn't harm you. Relax ka lang diyan at hayaan mo akong mag-isip ng mga puwede kong hilingin sa'yo," puno pa rin ng saya na wika niya.

Napapailing na nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Gusto ko na talaga na matakot sa mga hiling na hihilingin niya. Sa paraan kasi ng ngiti na nakapaskil sa mukha niya ay parang may kalokohan siya na naiisip. Pero tiwala naman ako sa kaniya na hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak ko.

"Diba same day lang ang exam natin?" tanong ko.

"Yes, since departmentalized ang exam for major subjects. Though mauuna akong matapos dahil mas maaga ang exams ng upper year."

Tumango-tango ako. "Samahan mo ako."

"Sure. Where?"

"Sa kanila Kervin. We'll take care of Maxim while he buried himself in studying." Tumango siya bilang pagsang-ayon.

Palagi kasing gano'n ang nangyayari every time na exam slash hell week namin. Since magkaiba naman ang dates ng exam namin dahil magkaiba kami ng college ay ako muna ang sumasalo sa pag-aalaga kay Maxim para makapag-aral siya

Palagi kasing one week ahead ang schedule ng exam ko kaysa sa exam nila Kervin. For sure naman kasi na hindi niya magagwang makapag-aral ng matino knowing na may anak siyang kailangang alagaan. Minsan kasi kapag nakasumpong si Maxim ay si Kervin lang ang kayang makapagpatigil sa kaniya sa kakaiyak.

So, to give him time to study, I always make sure na kapag tapos na ang exam ko ay ako muna ang bahala kay Maxim. Because for some unknown reason, I became Maxim's favorite person next to his Dad. Kaya kahit dalhin ko siya sa bahay namin ay hindi siya magwawala o iiyak.

"Don't review too hard. Rest when you can," paalala ni Devyn habang naglalakad kami palabas ng gate.

It's already nine in the evening. Dito na rin siya naghapunan which made me feel less lonely than what I usually feel every time that my parents are not around. Hindi naman kasi maiiwasan na ako at ang mga kasama lang namin dito sa bahay ang nasa hapag kainan.

Oo nga at may kasama ako pero iba pa din kapag sila Mom and Dad. But I am fine with it though. Minsan lang talaga nakakaramdam ako ng lunkot.

"Ikaw din. Thanks for helping me on my acads, Devyn," sinserong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Ngumiti siya habang ang kapikyuhan ay mababakas sa mga mata. "Thank you for giving me five wishes, Bliss Audrey." Sinimangutan ko siya. Feeling ko ilang araw pa ang lilipas bago tuluyang humupa ang tuwa niya.

Agad na nabuha ang pagtataka sa akin nang paglabas namin ng bahay ako walang sasakyang ang bumungad sa amin. Ang natatandaan ko ay nandito ang sasakyan niya kanina dahil nga hinatid niya ako pauwi. How come na ni anino ng saskayan niya ay hindi ko makita?

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon