11: Escape

2.6K 182 37
                                    

CHAPTER ELEVEN
Escape

Nakangiting pinapanood ko si Cloud na hinahabol ang bola na ibinato ko. Masiglang kinuha niya 'yon at dali-daling tumakbo pabalik sa direksyon ko. Kahit hirap sa taba niya ay mukha pa rin siyang masaya. Inilapag niya sa gilid nang inuupuan kong wooden bench ang tennis ball.

"Good job, Cloud." Hinimas ko ang mabalahibo niyang mukha.

Hapon na at hindi na naaarawan ang parte ng garden kung saan kami nakapwesto kaya okay lang na lumabas ako. Si Vanilla ay nasa kandungan ko at mukhang walang balak makigulo kay Cloud.

Malawak ang garder ni Mom at puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak ang magkabilang gilid. Madalas ay dito ako tumatambay sa tuwing walang pasok dahil presko ang hangin at maganda sa mga mata ang bulaklak na nakagagaan sa pakiramdam. Sa pinakagitna ng garden ay may lamesa at mga upuan na puwedeng pagtambayan.

"Hey there, Cloud! Ang laki mo na," wika ng isang pamilyar na tinig ng isang lalaki mula sa labas ng gate.

Atubiling sinundan ko si Cloud na nauna pa sa akin. Hindi na ako nagulat pa nang mabungaran si Kuya Ken na nakasuot lang siya ng baby blue na t-shirt at cargo shorts. Sa ayos niya, nasisiguro kong bagong paligo lang siya at dito agad ang punta.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at inimbitahan na ang sarili na pumasok sa loob bago ko pa man siya papasukin. Siya na rin mismo ang nagsarado ng gate bago yumuko para kausapin si Cloud na regalo niya sa akin noon.

"Hello there, buddy. Did you miss daddy?" malawak ang ngiti na tanong niya sa alaga. Diniilaan siya ni cloud sa pingi na siyang ikinatawa niya.

"Bakit ka nandito, Kuya? Magaling ka na ba?" Lumapit ako sa kanya at sinalat ang leeg at noo niya para tingnan kung may lagnat pa ba siya.

"Magaling na ako. And please don't call me kuya." Wala sa sariling napatitig ako sa kanya nang marinig ko ang lungkot sa boses niya. "Sinabi mo na last time na hindi mo ako tatawaging kuya, baby."

Ano na naman ba ang nangyayari sa kanya? At ano rin ang nangyayari sa akin. Bakit parang nakararamdam din ako ng lungkot habang nakikita ko siyang nalulungkot.

This is not the Kuya Ken that I know, hindi siya ang bibo at makulit na Kuya Ken. Hindi rin siya 'yong mapang-asar na Kuya Ken na nakasanayan ko. May lungkot sa mga mata niya at nalulungkot din ako para sa kanya sa hindi malaman na kadahilanan.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

Pilit siyang ngumiti sa akin at umiling. "Wala naman. Dumaan lang ako kasi may sasabihin ako sa'yo."

"Pasok ka muna."

Sabay na pumasok kami sa loob kasunod si Cloud na naging buntot na naman lau Ken. Ibinaba ko si Vanilla sa sofa na hindi man lang nagising. Nagtuluy-tuloy kami sa kusina ng hindi nagsasalita ang kahit na sino.

"Anong gusto mo?" tanong ko habang kaharap ang refrigerator.

Bago pa man siya makasagot nanuna nang kumilos ang kamay ko para kuhanin ang ice cream na kanina ko pa gustong kainin.

"Share na lang tayo n'yan," tukoy niya sa ice cream na hawak ko.

Kibit-balikat na kumuha na lang ako ng dalawang kutsara bago siya inaya sa salas ng bahay. Naupo ako sa mahabang sofa at agad naman siyang tumabi ng upo sa akin, isang bagay na madalas niyang ginagawa.

"Iba na lang kaya ang kainin mo?" nag-aalalang suhestiyon. Inilayo ko sa kanya ang ice cream nang pasandok na dapat siya. "Kagagaling mo lang sa sakit e."

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon