19: ---

2.2K 146 33
                                    

CHAPTER NINETEEN

Walang imik na lumabas ako ng sasakyan nang pagbuksan ako ni Devyn ng pinto ng saskyan niya. Lutang ang isip ko sa buong durasyo ng biyahe at hindi ako makapagisip ng matino. Gustuhin ko man ang magsalita ay hindi ko magawa sa takot na may msabing makakapagdulot ng sakit sa taong walang ibang ginwa kung hindi ang punuin at busugin ako ng saya at iba pang kakaibang pakiramdam.

Hindi ko inakala na gano'n ang maririnig ko na kuwento mula kay Isa. Ngayon ay lubusan ko ng naiintindihan ang pinanggagalingan ni Devyn nang sabihin niya na wala lang ang naging relasyon nila ng kaibigan ko. Dahil totoong walang ibig sabihin ang namagitan sa kanilang dalawa. Totoong hindi nila minahal ang isa't-isa dahil ibang tao ang mahal ni Isa.

Kusang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Devyn nang kuhanin niya 'yon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging ganito katatag sa kabila ng mga pinagdaanan niya. At hindi ko din mapaniwalaan kung paanong wala akong nakikitang galit sa kaniya mga mata niya sa tuwing tinitingnan ni Isa, na siyang sa tingin ko ay mararamdaman ko kung ako ang nasa posisyon niya.

"May problema ba?" bakas ang pag-aalala sa boses na tanong niya.

Palihim akong lumunok para alisin ang bumabara sa lalamunan ko. "Wala naman." Hindi lang ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Gusto ko siyang usisain tungkol sa mga nalaman ko pero hindi p'wede. Hindi ko siya p'wedeng pangunahan. Natatakot ako sa maaaring maging kalabasan kung ipipilit kong alamin ang mga bagay na gusto kong malaman. Hindi pa ako handa na makita ang isang bahagi ng pagkatao ni Devyn, pagkatao na nasasaktan at nahihirapan.

Hindi ako sigurado kung buong detalye na ba ang narinig ko mula kay Isa pero sapat na 'yon para makaramdam ako ng kapanatagan para sa mga bagay na bumabagabag sa akin. I also don't want to push any of them to give me full details. Tapos na rin naman na 'yon at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kaunting takot sa puso ko na hindi ko alam ang pinanggagalingan.

"Go inside now. Alam kong pagod ka na," nakangiting sabi niya.

Tumango ako pero hindi pa rin bumibitaw sa kamay niya na siyang dapat ay ginagaw ko na ngayon. Parang may sariling utak na kumilos ang mga kamay ko para yakapin siya sa baywang at inilapat ang pisngi ko sa dibdib niya. Sa posisyon na 'yon ay nagawa kong pakinggan ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya at alam kong repleksyon ng akin.

Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko, kahit naman ako ay nagulat din sa mga kilos ko dahil hindi ako ang tipo na bigla na lang nangyayakap lalo na sa kaniya. Pero ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Ang iparating sa kaniya na nandito lang ako sa oras na kailanganin niya ng masasandalan.

Gumanti siya ng yakap, mas mahigpit sa yakap na ibinibigay ko sa kaniya. Mas nagsumiksik ako sa kaniya habang siya naman ay nagsumiksik sa leeg ko. Sobrang pagpipiigil ang ginawa ko upang hindi umiyak nang muli na namang pumasok sa isip ko ang naging usapan naming ni Isa.

"Did Isa tell you?" mahinang tanong niya at tanging pagtango lang ang naisagot ko.

Bumuntong hininga siya at umayos ng tayo bago inangat ang mukha ko gamit ang isang kamay nang hindi bumibitaw sa katawan ko ang isa pa. Ngumiti siya pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya. Ngayon ay nakikita ko na ang lungkot na ngayon niya lang hinayaan na makita ng kahit na sino. Pero alam ko na wala pa ang nakikita ko ngayon sa totoong nararamdaman niya.

How can this man be so good in hiding his emotions?

"I'm fine, Bliss Audrey," sabi niya ngunit ang dating sa akin no'n ay mas kinukumbinsi niya ang sarili kaysa sa akin na kausap niya.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon