21: Living Nightmare

2.1K 121 31
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE
Living Nightmare

Napapantastikuhang napatingin ako sa kaniya sa kawalan ng koneksyon ng sinabi niya sa usapan namin kani-kanina lang. Seryoso pa rin ang mukha niya pero hindi na ganoon kalala ang inis na nakikita ko kung ikukumpara kanina. Minsan talaga may mga pagkakataon na hindi ko masundan ang takbo ng utak niya. Masyadong mabilis magbago ang takbo no'n at madalas akong napag-iiwanan.

"What?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Date me." Kinuha niya ang namamagang kamay ko iniangat upang dampian ng magaan at maingat na halik. "This weekend." He smiled at me, trying to hide his anger beneath it.

Maliit na ngumiti na lang ako dahil hindi ko din alam kung paanong alisin 'yon ng tuluyan. "Sige," mahinang tugon ko. Mabilis na nabuhay ang tuwa sa mukha niya habang nakatingin sa akin. "Pero dapat sa walang tao o sa wala masyadong makakakita sa atin na magkasama.

Lumalim ang gitla ng noo niya sa sinabi ko. Nabura na din ang tuwa sa mukha niya at napalitan ng pagkalito. Malamang ay naguguluhan kung bakit 'yon ang gusto ko.

"Bakit? Ikinakahiya mo ba ako?" magaap na umiling ako bilang pagtutol. "Then why?"

Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Ang totoo ay mas ako ang dapat na ikahiya niya sa oras na lumabas kaming dalawa. Sigurado kasi ako na pagtitinginan na naman kami ng mga tao sa oras na humarap kami sa publiko. Sigurado rin ako na may maririnig kaming mga salita mula sa kanila na karamihan ay hindi maganda.

Hindi naman kasi isang beses lang na nakaranas ako ng gano'n. Kahit sino pa ang kasama ko, si Kervin, si Ken, o kahit na sino pa basta nasa publiko kaming lugar ay hindi na nauubusan nang sasabihin ang mga tao. At iyon ang ikinakatakot ko.

Ayaw kong sa magiging unang paglabas namin ay 'yon agad ang maranasan niya habang kasama niya ako. Ayaw kong ipakita sa kaniya ang mundo ko sa mata ng publiko. Baka hindi niya magustuhan. Baka dahil do'n ay maisip niya na hindi ako ang para sa kaniya, na may mas higit pa sa akin na magagawa niyang iharap sa mga tao na wala siyang maririnig na panghuhusga. Baka kapag natapos ang araw ay ma-realize niya na may iba pa na pwede niyang ipagmayabang sa publiko, taong hindi ako.

Ayaw kong dumating sa punto na ayawan niya ako ng dahil lang sa kundisyon kong hindi ko kailanman ginusto.

"Basta," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Alam kong alam niya o may ideya siya sa totoong dahilan ko pero pinipili na lang ang hindi magkumento. Bumuntong hininga lang siya at ngumit sa akin. "Alright. If that's what my schön wants, then so be it."

Mariing napakagat ako sa labi ko dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Ang dating kasi sa akin ay masusunod ang kung ano mang gusto ko. Like my decision is the only thing that matters to him.

And the way he addressed me, my schön. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa narinig. It's as if he's making me his and owning me. At kakaibang ligaya ang hatid no'n sa akin lalo na at ito ang unang pagkakataon na may nagparamdam sa akin na importate akong tao.

"Thank you, Devyn," buong pusong pasasalamat ko.

Masuyong nginitian niya ako at muli pang hinalikan ang likod ng namamaga kong mga kamay bago niya sinimulan na paandarin ang kotse kasabay nang paglalakbay ng utak ko sa mga pwedeng isagot sa mga magulang ko sa mga magiging tanong nila sakin kapag nakita nila ako.

Siguradong pauulanan nila ako ng tanong bukas kapag nakita nila ako. Mabuti na lang talaga at wala sila ngayon sa bahay dahil may shooting sila ngayon at madaling araw pa ang uwi panigurado. Pero alam kong magsasabi si Yaya Rita sa kanila oras na makuwi sila.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon