23: Insecurities

1.8K 122 14
                                    

TWENTY TWENTY-THREE
Insecurities

Tutok ang dalawang mata ko sa projector screen na nasa harapan ko kung saan kasalukuyang ipinapalabas ang isang pelikula na hindi ko naman maintindihan kung ano ang kwento. Basta lang na nakatutok doon ang mga mata ko at pilit na hindi nililingon ang katabi kong pareho ko lang din ng reaksyon.

Walang nagsasalita sa amin simula pa nang umere ang palabas, o mas tamang sabihing magmula ng muntikan nang mangyari ang hindi dapat na mangyari. Nakatingin lang kami roon at parang tuod na nakaupo sa sari-sariling mga pwesto. Gusto ko man na basagin ang katahimikan na pumapalibot sa amin ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin.

"Bliss Audrey." Napaupo ako ng tuwid nang magsalita siya.

"A-ano?" Pinanggigilan ko ang ibabang labi ko sa inis ng mautal.

"About earlier..."

Dali-dali akong kumuha ng burger na naka-serve sa lamesa at isinubo iyon sa kaniya. "Huwag na lang natin pag-usapan, please?" nagmamakaawang pakiusap ko habang nakatingin ako sa kaniya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang pagtango niya. Nahahapong sumandal ako sa bean bag na inuupuan ko habang nakalagay sa hita ko ang isang bucket ng fries na nilagyan ko ng isang slice ng pizza kanina. Wala naman akong ginawang nakakapagod pero bakit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako?

Napatingala ako sa langit nang mapansin kung gaano kakinang ang mga bituin na nakakalat doon. Wala akong hilig sa star gazing dahil kung mas papipiliin ako ay mas gusto kong makita ang takip-silim kaysa sa madilim na kalangitan ng gabi. Pero hindi pa ako nabibigyan ng pagkakataon na gano'n dahil sa klase ng sakit ko at dahil bibihira lang naman talaga ako lumabas ng bahay.

"Bakit gabi mo naisipang lumabas, Devyn?" wala sa sariling tanong ko habang tinititigan ang pinakamakinang na bituin sa langit.

Unti-unti ng natutunaw ang ilang sa pagitan naming dalawa. Nararamdaman ko rin na nag-relax na siya na hindi namain magawa kanina.

"Kasi hindi naman kita pwedeng dalhin dito ng umaga. Makakasama lang sa balat mo," sagot niya.

Parang may bumbilyang umilaw sa tuktok ng ulo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Matagal na ring sumasagi sa isip ko ang mga pagkilos na ipinapakita niya sa akin. Simula pa lang noong sa get-together ng buong org namin. Nagawa ko mang itanong sa kaniya noong pauwi na kami ay nagawa naman niyang maiwasan ang sumagot dahil tinakasan niya ako noon.

Kung babalikan ko kasi ang mga pangyayari sa pagitan naming dalawa magmula nang magkasami kami ay masasabi ko na may mga bagay siyang nalalaman tungkol sa kondisyon ko. Kutulad na lang ng masamang epekto ng araw sa balat ko. Minsan na rin niya akong binigyan ng sunblock. Limitado man ang mga bagay na alam niya, nasisigurong ang mga basic information ay alam niya.

"Devyn may tanong ako." Napaupo ako ng maayos at humarap sa kaniya. Seryoso ko siyang tiningnan habang siya naman ay seryoso rin ngunit nahahaluan ng pagtataka ang ekspreysyon ng mukha habang sinusundan ako ng tingin.

"What is it? Bakit parang ang seryoso naman niya," kunot ang noong tanong niya.

"Napapansin ko lang kasi talaga simula pa noong sa get-together natin up until now na narinig ko ang mga sinabi mo." Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa akin habang hinihintay na dugtungan ko ang sinasabi ko. "Bakit parang ang dami mong alam tungkol sa kalagyan ko?" sa wakas ay naitanong ko. Napanood ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya at katulad ng dati ay namula na naman ng husto ang mukha niya. "Please answer my question this time. Wala ka na rin namang puwedeng takbuhan, unless iiwan mo ako rito at hahayaang umuwi ng mag-isa."

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon