08: Unnameable

3.6K 229 68
                                    

CHAPTER EIGHT
Unnameable

"Sana nag-enjoy kayong lahat," sabi ni Ma'am Ria na kababakasan ng tuwa. Hinarap namin siya na siyamg nahuling lumabas mula sa bus na siyang sinakyan namin pauwi, maliban sa driver siyempre na dadalhin sa parking space ng CIU ang bus na sinakyan namin. Nandito kami sa parking lot ng Crest International University ngayon at mga uuwi na matapos ang get-together naming buong org.

"Mag-iingat kayo pauwi, ha? Sa mga magmamaneho, doble ingat," paalala niya sa lahat. Hindi na ako nagulat pa nang tunghayan ako ng tingin ni ma'am at masuyong nginitian. "Thank you, Bliss. Hindi mo alam kung paano mo napasaya ang buong org sa desisyon mo."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Salamat din po sa inyo at sa efforts niyo po. Lalo na rito." Itinaas ko ang hawak kong patong-patong na puzzle na siyang ibinigay nila. Balak ko na bumili ng mga frames na kakasya para sa mga puzzle na natanggap ko mula sa kanilang lahat.

Si Devyn naman ang may dala sa mga gamit ko. Mapilit din kasi siya, e, ako naman kasi ang magdadala sana kaso inagaw niya bigla sa akin. Mabuti na lang talaga at tuwing martes ang klase naming mga regular students kaya okay lang na inabot kami ng lunes sa get-together namin.

"Sige na, sige na. Magsiuwi na kayo at ng pare-pareho na tayong makapagpahinga," sabi ni Kuya Gio habang sumesenyas pa na parang tinataboy kami.

Nagsisimula nang sumakay sa mga kani-kaniyang sasakyan at sundo ang mga kasamahan namin. Maging sila Kuya Gio ay umalis na rin hanggang sa naiwan na lang kaming apat nila Isa, Kervin, Devyn at ako sa parking lot.

"Kervin," tawag ko kay Kervin nang humarap siya sa gawi namin ni Devyn.

Nasa tabi niya si Isa na nakapako ang tingin sa akin habang nakangiti, ngunit mahahalata na sadyang hindi niya binabalingan ng tingin ang lalaking katabi ko. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa kalagayan niya. Kung okay lang ba siya o kung may maitutulong ba ako para mabawasan ang mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Alam ko at nararamdaman ko na apektado pa rin siya sa presensya ni Devyn.

Hindi ko lang siya magawang kausapin pero sa pagkakakilala ko sa kanya, siya ang kusang lalapit sa'yo kung gusto niyang pag-usapan ang isang bagay. At kailangan ko siyang intindihin sa parte na 'yon lalo na kung hindi pa talaga siya handa na magsalita. Kailangan ko siyang hintayin hanggang sa handa na siyang ibahagi ang mga nararamdaman niya.

"Tara?" anyaya ni Kervin sa amin. "Sabay-sabay na tayong apat."

"Hindi na, Kervin." Binalingan naming lahat si Isa. "Magtataxi na lang ako. Masyadong malayo kung lahat kami ay ihahatid mo."

Totoo ang sinabi niya. Kami kasi ni Kervin ay panorte ang destinasyon habang siya naman ay sa timog kaya hindi malabo na dumoble ang oras na gugugulin namin bago kami makauwi. Kung ako lang ang kailangan niyang ihatid ay okay lang dahil iisa lang naman ang destinasyon namin talaga. Pero hindi naman namin puwedeng pabayaan si Isa nang basta na lang.

"Tatawagan ko na lang si Kuya Sonny para magpasundo. Sigurado naman ako na nasa bahay lang siya ngayon," singit ko. Naagaw ko ang atensyon nilang lahat kaya ang paningin nila ay nasa akin na ngayon.

Mabilis na umiling si Isa bilang pagtanggi. "Okay nga lang ako. Puwede naman akong mag-taxi na lang pauwi," natatawang tutol niya.

"Wala ka bang dalang sasakyan o motor?" singit ni Devyn sa usapan na kanina pa tahimik.

Gusto kong lingunin si Devyn pero nakuha ni Isa ang buong atensyon ko nang hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang lalaki kahit na siya ang kinakausap nito.

Nakapako pa rin ang paningin niya sa akin nang sumagot siya sa tanong ng lalaki. "Wala. Nag-pahatid lang ako papunta rito," tensyonadong sagot niya.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon