Hindi ko inakala na isang linggo na pala ang lumipas mula noong pumasok ako dito sa Treyton at sa isang linggong yon ay mabilis pa sa flash na kumalat ang balita sa boung Treyton na ako ang bagong alaga/alalay ng mokong na yun.
Hindi niya ako hinahayaang malayo sa tabi niya. Akala niyo sweet nu? Pero puteek lang at parang naging instant baldado at paralizado iyong lalaking yon dahil palaging utos doon, utos dito, utos everywhere. Kahit malilit na bagay na kaya na naman niya ay inuutos parin.
No choice na lang ako kasi kapag hindi ko siya sinunod ay siguradong tanggal ang scholarship ko nito at mahihirapan ulit akong maka hanap ng ibang paaralan na nag o offer ng full scholarship.
Isang linggo ko na ring hindi nakaka usap si Ashton. Akala pa nga niya ay iniiwasan ko siya dahil sa ginawa niyang pag traydror kay Hunter kaya na iintindihan daw niya ako pero sa totoo lang ay wala naman akong karapatang iwasan siya dahil doon. Hindi naman kasi ako si Hunter para magalit sa kanya tsaka alam kong nag mahal lang siya pero yun nga lang sa maling tao pa.
Gusto ko mang klaruhin at sabihin sa kanyang mali ang akala niyang iniiwasan ko siya kaso todo bantay sirado naman sa akin si Hunter. Gustong gusto niya talaga akong pinapahirapan eh.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa Treyton at nakakapanibago lang dahil walang asungot na nanguggulo sa akin.
Sobrang tahimik rin ngayon ng Treyton, kasi ni isa ay wala akong narinig na bulung bulungan tungkol sa akin. Hindi katulad nung mga nakaraang araw.
Haaaays... sana ganito na lang palagi eh. tahimik, walang nambubully, walang nagpaparinig, walang asungot sa paligid. Aiiish kailan kaya ulit babalik sa normal ang buhay ko.
Sana all mobalik! Choos...
Pagkapasok ko sa room ay hindi ako makapaniwala na sampung estudyante lang kaming nandito sa room. Impossible namang late yung iba kasi malapit nang magsimula yung first class namin.
"Joy, bakit sobrang kaunti lang natin? May epidemya bang naganap at nahawaan ang halos lahat ng classmates natin?" curious na tanong ko.
"Hay nako Bria! hindi ka talaga updated sa mga nangyayari. Tignan mo nga to!" sabay pakita sa akin ni Joy sa cellphone niya.
Laureen Fraile tagged the ELEMENTS in her status :
"I'm very excited to see you again guys. Don't forget to fetch me in the airport, alright? Subukan niyo lang indian-in ako at masisipa ko talaga kayo hahaha. See yah tommorow :)"
6,340 likes, 9,867 comments, 4,950 shares
Iverson Marcellus commented to the post: "Don't worry we'll never forget it Laureen. See you tommorow."
Tyler Morocco commented to the post: "Have a safe trip Lau. See you"
Kendrick Palermo commented to the post: "No probs Laureen basta ang pasalubong mo rin sa amin ha? Huwag mo ring kalimutan hahaha. See you when you see me"
Kendrick Palermo posted a status:
"Sorry girls, ELEMENTS will not attend the class tommorow. I know you'll miss me but I will surely miss you more babies 😉"
10,790 likes, 15,435 comments, 8,894 shares
"ANOOO? Umabsent sila dahil lang sa alam nilang wala yung Elements? Pambihira! may sakit yata silang ELEMENTS SYNDROME. " mahinang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hearthbeats [Completed]
Teen FictionElements Series #1 You are my world, my Earth Brianna. No matter how I tried to stay away, Gravity always pulls me towards you. I'll do anything to make your heart beats for me. -Brevin Hunter Treyton