Chapter 43

455 14 23
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang biglang pag vibrate ng cellphone ko.

'Wake up, sleepy head, I'm already here' pambungad na text sa 'kin ni Hunter.

'Sandali lang' reply ko.

Dali dali akong bumangon at naligo kaagad. Mag a alas otso na pala. Bakit kaya hindi ako ginising ni mama.

Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na kaagad ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mahagilap si mama sa bahay.

Buong akala ko ay nasa labas lang siya pero nang pumunta ako sa labas ay tanging si Hunter lang ang nakita kong nakasandal sa kotse.

"Nakita mo si mama?" tanong ko kaagad sa kanya.

Kumunot ang noo niya at umiling. "Wala, bakit? Wala ba sa loob?"

"Nandoon naman, kaya lang ako nagtatanong sayo kasi wala lang trip ko lang"

Mas lalong kumunot ang noo niya "What do you mean?" tanong niya. Hindi ko tuloy ma iwasan ang tumawa.

"Wala sa loob, kaya nga hinahanap ko.  Nagka salubong ba kayo dito?"

Umiling siya.

"Baka may iniwang note para sayo" aniya.

"Teka lang" saad ko at pumasok ulit sa bahay.

Una kong pinuntahan ang sala kaso wala akong akong nakita kaya napagdesisyonan kong sa kusina  pumunta ng sunod.

Tama nga ang sabi ni Hunter. May nakita akong papel na naka ipit sa plato namin. Kaagad ko naman itong binasa.

'Anak, may kailangan muna akong pupuntahan.'

Nakakapanibago talaga si mama. Ano kaya ang iniisip niya ngayon.

Para hindi masayang ang hinanda ni mama ay dali dali akong sumubo ng pagkain.  Plano ko sanang ayain si Hunter na pumasok muna sa loob pero baka ma issue pa kami ng mga kapit bahay namin dito. Magugulat na lang ako dahil ako na pala topic nila sa chismisan.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ito ng madalian at lumabas na.

"May iniwan ngang note" bungad ko sa kanya.

Nagulat ako ng lumapit siya sa 'kin at  bigla niya na lang akong niyakap.

"Baby" banayad ang boses niyang sabi sa 'kin.

"Hmm"

"Did I do something wrong?" mahinang tanong niya.

Kinalas ko ang yakapan namin at  nakipag eyes to eyes sa kanya. Char, hinarap ko lang siya, kayo talaga.

"Sa pagkaka alam ko ay wala naman eh. Bakit mo naman na tanong?" sabi ko.

"Ang mama mo" laglag balikat niyang sabi. "Hindi na yata ako ang gusto para sayo"

Hindi ko ma iwasan ang mapa irap na lang. Hay nako mangangaso, nag o over think ka na naman.

"May pinakilala ba siyang lalaki sayo? Iyong Alfred ba ang gusto niyang maging asawa mo?" sunod sunod niyang tanong.

"Bakit, papayag ka ba kung ganoon nga ang mangyayari?" taas kilay kong tanong.

"Wala na akong magawa kung iyong mama mo na ang nag desisyon"

"So--

"But fuck, I can't say that again" putol niya sakin. "Tangina lang at hindi ko alam kung anong magagawa ko kung iba ang papakasalan mo"

Hearthbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon