Chapter 15

519 34 8
                                    


SI LAUREEN NASA IBABAW NI HUNTER AT GINAGAWA NILA YUNG ANO!

Puteeek! How to unsee?

Bago pa nila ako makita ay kaagad na akong kumaripas ng takbo baka ano na namang magawa sa akin ni Hunter kapag nahuli niya akong nandoon.

Langya talaga yung mokong na yon ah! Kung maka judge sa akin kanina. Kahit di naman judger. Kung tutuusin nga ang grabe niya! Parang araw araw na nilang ginagawa ang mag-ano.

Hinihingal ako nang makarating na sa gate ng Treyton. Sheems! Pang ilang beses ko na yata sila nakitang ganoon ang sitwasyon.

Palabas na sana ako ng may kotseng biglang pumarada sa harapan ko. Binaba niya ang windshield at nagulat ako ng si Ashton ito.

"Bakit parang namumutla ka? May nangyari ba?" aniya

Eh ang layo ba naman kasi ng tinakbo ko!

"Anong ginagawa mo dito? Kanina pa ang uwian ah" pagtataka kong tanong sa kanya.

"Tinanong ko sa kaibigan mo kanina kung bakit wala ka. Ang sabi nila ay nagpunta ka daw sa library para sa assignment ninyo. I don't want to disturb you so I just waited here" pag eexplain niya sa akin.

Pashneaaaa! Totoo ba to? Hinintay niya talaga ako? Uwuuu.

"Thank you Ashton ha? Kahit hindi mo naman kailangang hintayin ako pero nandito ka." ngiti ko "Kaya super duper na appreciate ko talaga" sincere kong sabi sa kanya.

"No worries, Brianna" aniya. "Hop in ihahatid na kita sa inyo."

"Pero-"

"Please?" paki usap niya sa akin.

Oh ayan na naman siya sa pag papa cute niya eh. Hay nako Ashton.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero may humila sa kamay ko. Pag tingin ko ay si mokong pala.

"Sa akin ka sasabay" utos niya sa 'kin.

Lumabas si Ashton sa kotse niya at matalim niyang tinignan si Hunter.

"Pwede ba Hunter, huwag mo nang guluhin si Bria! Kung yung utang niya ang pinoproblema mo. I am willing to f*cking pay for it. Just stay away with her"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ashton.

Hunter smirked "In case you forgot that I've never followed anyone. I am Brevin Hunter Treyton, the one who makes the rules. Do you f*cking get that Monteverde?"

Ang yabang talaga ng lalaking to! Akala ko sa bagyong Palermo lang ako matatangay pero may bagyong Treyton rin pala and I'm sure hindi lang tangay ang aabutin ko sa kanya kundi patay. Mamamatay ako ng maaga sa lalaking to eh!

Binitawan ko ang kamay niyang naka hawak sa akin.

"Kay Ashton ako sasabay kaya umalis ka na Hunter" pag tanggi ko. "Nakakahiya naman kung maka ka disturbo pa 'ko sayo baka nga may importante ka pang gagawin diyan eh."

Bakit nga pala siya nandito? Aiish malamang Bria, tapos na nilang gawin yung ano.

"You'll go with me Brianna" sabi niya na para bang sure na sure siya na sa kanya ako sasama. Duuh! As if naman no...

May ipinakita siya sa akin sa cellphone niya at 'di ako makapaniwala na textmate sila ni mama!

"Iho? pwede bang humingi ng pabor sayo? Hindi pa kasi umuuwi si Bria at nag-aalala na ako sa kanya kasi guma gabi na. Sigurado akong wala na siyang masasakyan ngayon kaya pwede bang ikaw na maghatid sa kanya." yon ang nakalagay sa text.

Hearthbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon