Chapter 21

529 28 4
                                    


Nang mahimasmasan na ako ay kinalas niya na ang pagkakayakap niya sa 'kin. Ngayon ko lang napansin ang damit niyang punong puno na ngayon ng dugo.

"Y-ung sugat mo" pag-alala ko.

Dahan dahan siyang umiling "I'm alright" aniya. Pashnea, Anong okay ang pinagsasabi niya!

Seryoso niya akong tinignan.  "Just...don't ever do this again Brianna" aniya.

"I'm sorry, nang hiram kasi ako ng first aid kit para sana gamutin yung sugat mo kaso mas lalo lang tuloy lumala." mahina kong sabi.

Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang siyang nag hubad ng damit sa mismong harapan ko!

"A-nong ginagawa mo?" pag uutal ko. The fact na kami lang dalawa ang nandito. Tapos na stuck pa kami, so ang ibig sabihin niyan ay may posibilidad na baka matagalan pa sila sa paghahanap sa 'min.

"Gamutin mo na ang sugat ko" aniya.
Tapos... Ano daaaw? Pakshims lang!
Hoy self, mag hunos dili ka nga diyan!

Ba't ako matatakot eh hinding hindi naman yan papataol sa 'kin. Haays... Salamat naman at alam kong safe ako sa kanya. (bakit parang tunog disappointed?) Amputek, hindi nu! Aish.... mabuti na lang talaga at hindi mind reader tong si Hunter.

Hindi na ako umangal at sinimulan ko na lang ang pangagamot sa kanya. May kasalanan rin naman kasi ako eh at pwede na ring thank you gift ko to sa kanya.

Dahil wala ng nakatakip na benda sa tiyan niya ay kitang kitang ko na ang six pack abs niya. Pashnea! Kaya pala matigas. Wala sa sariling napalunok na lang ako at ginawa ko na ang kinakailangan kong gawin.

Habang ginagamot ko ngayon ang sugat niya ay di ko maiwasan ang ma ilang. Pano ba naman kasi at nakikita sa peripheral vision ko na naka titig siya sa 'kin. Pucha! Kung kanina ay kinakabahan ako dahil wala akong makita pero ngayon ay kabado ako dahil sa presenya niya.

"Why didn't you call me? Saan na ba kasi ang cellphone na ibinigay ko sayo?" tanong niya sa 'kin.  "Don't tell me isinangla mo?" halakhak niya.

"Heh! Hindi ko alam  kung paano gamitin ang ganoong klaseng cellphone kaya hindi ko dinadala. Ibang iba yun sa 'kin eh." ani ko

"Bring it tomorrow, I'll teach you" aniya.

Nang matapos na ako sa paglilinis ng sugat niya ay kinakailangan ko na namang ma bendahan ito para iwas infection. Mabuti na lang at may benda akong nakita sa kit.

Dug dug dug

Pakshims lang! Naging abnormal na naman tong tibok ng puso ko. Kasi sa tuwing iniikot ko yung benda papunta sa likod niya ay nagkaka lapit rin ang katawan namin sa isa't isa. Uma abante rin kasi siya papunta sa 'kin para daw hindi ako mahirapan. Isang ikot na lang Bria!

Laking pasalamat ko nang sa wakas ay natapos ko na rin ito dahil makakahinga na rin ako nang maayos. Akmang lalayo na sana ako sa kanya ngunit nagulantang ako nang bigla kong naramdaman ang kamay niyang naka hawak na ngayon sa likod ng baywang ko kaya mas lalo tuloy akong napalapit sa kanya. Halos kapusin ako ng hininga nang inilapit niya ang mukha niya sa 'kin.

"A-no sa tingin mo ang ginagawa mo-"

Hindi na ako naka salita dahil sa isang iglap lang ay naramdaman ko na naman ang pag dampi ng mga labi namin.

Kaagad ko siyang tinulak ng malakas dahil sa kaba. Puchaaa, ang second kiss ko! Hindi naman matatawag na kiss yung nangyari sa rooftop kaya excluded yon. 

Hearthbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon