Chapter 26

579 28 5
                                    

Brianna's Point of View

Hindi ko mapigilan ang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. Amputek! Anong pinagsasabi nitong mokong nato? Duuh! Ang yaman yaman tapos walang pambiling kalendaryo.... Tapos na kaya ang April fool's, huling huli ka na sa balita chong.

"Tumitira ka ba ng shabu?" tawa ko. "Naku... Kung ako sayo tigil tigilan mo na yan. Tignan mo at na aapektuhan na iyang utak mo" turo ko.

Laglag ang balikat niya nang tumingin siya sa kawalan. Kahit naka side view ay kita ko pa rin ang pagka dismiyado sa mukha niya. Ang tangos tangos talaga ng ilong nitong mangangasong to pero pashnea! Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka down.

"You're right Brianna, I am an addict but...."  bahagya siyang tumigil dahil binaling niya ang kulay tsokolateng mata niya sa akin.  "You are the drugs" aniya. Pakshims! Bakit ang husky ng boses niya. Parang nang aakit lang ah!

"I am addicted to you Brianna, I have already tasted your lips and I cannot forget it's flavor" giit niya.

Amputek talaga! Bakit bigla na lang siyang bumabanat! Eh kung banatan ko kaya ang pagmumukha niya, tignan lang natin kung may pa mahal mahal pa siya ulit.

"Huwag mo akong pag tripan Hunter, kung bored ka sa buhay mo. Edi mag tiktok ka." biro ko. Shemay lang! Tumalikod na ako sa kanya at akmang paalis na pero naramdaman ko na lang ang mga braso niyang yumayakap sa akin mula likod.

"I knew I was mean to you and I wouldn't expect you to believe me but I just did that because I wanted to be get close to you." Puchaa! Bakit ang lambing ng boses niya.

Mas lalo tuloy akong nanginig nang maramdaman ko ang mukha niya na nasa leeg ko.

"Just please give me a chance, that's all I'm asking. You don't have to love me back Brianna. I just want that chance to maybe change your mind." ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko habang nag susumamo ang boses niya.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya or jino joke time niya lang ako. Ang hirap lang kasing maniwala kung nagsimula sa mali ang lahat. Ang dami raming tanong ang gusto kong i bato sa kanya katulad ng kailan nag simula? Saan? At kung bakit ako pa?

Maiintindihan ko sana kung hindi itong si mangangaso ang nasa harapan ko ngayon pero hindi eh! Siya si Brevin Hunter Treyton, ang taong walang ginawa kundi pahirapan ako pero siya rin ang lalaking palaging nandyan para sagipin ako. Pakshiims! Mas lalo tuloy akong nalito.

Pinilit kong tanggalin ang braso niyang nakayakap sa akin at mabuti na lang at nagtagumpay ako.

Hinarap ko siya at halos malaglag ang panga ko dahil sa reaksyong pinapakita niya sa 'kin ngayon. Pakshims! Ibang iba siya sa Hunter na nakilala ko noon.

"Sige, alis na muna ako. Inom ka ng gamot para mawala iyang sakit mo" ani ko. Pagkatalikod ko ay may sinabi siya na kaagad nag paharumentado sa puso ko.

"Addiction is not a temporary thing Brianna, it is something that last for a lifetime. I can't blame you for not believing me but I'm going to prove my true intention to you" aniya.

Pagkatapos niyang sabihin yon ay dali dali akong tumakbo paalis. Puteek! Na ano ba yung mokong na yon? Kung seryoso nga siya ay anong gagawin ko? Sigurado akong napaka big deal para sa iba yon! Sure akong pagbibintangan nila akong ginayuma ko siya. Aish.......


Nang makarating na ako sa classroom ay sakto namang recess time na pala kaya ang ending ay ako lang tuloy ang mag isa dito sa room.  Hindi ko  maiwasang isipin ang nangyari kanina. Fudge! Bakit parang pakiaramdam ko nag iinit ang boung mukha ko? Aish.... Wag mong sabihing self na aapektuhan ka sa kanya? Putek lang!

Hearthbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon