Chapter 32

531 28 1
                                    

"Salamat sa pag hatid" sambit ko nang makalabas na ako sa kotse niya.

"Wait" pigil niya at saka lumabas rin. "I'll fetch you tomorrow?"

Sus may pa tanong tanong pa siya. Balak ko sanang biruin pa siya pero ayaw ko ng masira ang mood niya kaya ngumiti at tumango na lang ako.

Napa ngiti rin siya "So.... See you tommorow then?"

"Sige" sagot ko. "Pasok na ako ha?"

Nang maka pasok na ako sa gate ay nagtaka pa ako kung bakit naka tayo pa rin siya sa puwesto niya.

"May balak ka bang mag camping diyan?" pang aasar ko sa kanya.

"Will you let me?"  biglaang tanong niya na kaagad nagpa nga nga sakin. He smirked "You know... I can let that happen."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Infairness at magaling rin siyang mang asar ah.

"Umalis ka na nga, baka gabihin ka pa" giit ko. Hindi ko na siya hinayaan pang maka salita at dali dali na akong pumasok sa bahay.

Nang madatnan kong wala pa si mama sa bahay ay sure akong nasa palengke pa siya. 

Ang sabi ni Hunter sakin kanina ay alam ni mama ang tungkol sa panliligaw niya sakin. Pero ano naman kayang sinabi ng mangangasong iyon? Siguro mamaya ko na lang tanungin si mama.

Nag saing na lang ako ng kanin at napag desisyonang  mag luto na rin ng ulam para naman pag dating ni mama ay diretso chibugan na. Siyempre pagod sa pagtitinda kaya alam kong gutom siya pag uwi.

Pagkabukas ko sa sirang sira naming ref ay bumungad sakin ang walang laman sa loob nito.  Actually hindi na talaga gumagana ito kaya bawal ng lagyan ng mga pagkaing madali lang ma panis.

Medyo advantage na rin samin kasi at least wala kaming binabayarang kuryente dito. 

Kumuha ako ng pera mula sa allowance ko at saka nag decide na bumili na lang ng pupwedeng ma uulam namin ni mama.

Nang makalabas ay may natanaw akong lalaking naka upo sa tindahan. Naka talikod siya kaya hindi ko kita ang mukha niya. Medyo nag dalawang isip tuloy ako kung pupunta pa ba o hindi.

Paano ba naman kasi noong isang araw ay may lasing na nag tambay sa doon tas ayon binastos ako. Kung anong pinagsasabi kahit naka jogging pants at saka t shirt pa ako noon ah.

Shemay! No choice ako dahil ang tindahan lang naman ni aling Koring ang kaisa isahang tindahan dito sa street namin kaya yuko lang Bria.

"Aling Koring, pabili nga po ng dalawang sardinas at saka tag sampung pisong mantika." sabi ko nang hindi pinapansin ang lalaking naka upo sa gilid.

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o hindi eh. So far kasi ay tahimik lang naman siya pero ramdam ko naman ang mga titig niya sakin.

Pakshims! Akala ko si Hunter lang ang makakapag tibok ng ganito sa puso ko. Meron pa pala...

"Fourthy four pesos lahat iha" ngiti niya.

Inabot ko ang fifty pesos na dala ko at saka hinintay ang sukli. Habang nagbibilang ng mga coins si aling Koring ay bigla na lang siyang nag tanong.

"Hindi pa ba nakaka uwi ang mama mo Bria?"  tanong niya.

"Opo" simpleng sagot ko.

"Naku mag iingat ka" pag alalang sabi niya. "Narinig ko pa naman ang pang babastos na sinabi ng lalaki sayo noong isang araw, kaya pasenya na. Hindi ko kasi alam na malalasing kaagad siya sa isang boteng beer lang" patuloy niya.

Hearthbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon