Chapter 13

511 36 5
                                    

Pagka uwi ko sa bahay ay hindi ko inaasahan ng pansinin na ako ni mama.

"Oh Bria anak, kain ka na" aya ni mama sa akin.

Lumapit ako sa kanya at mahigpit na niyakap siya. Hindi ko na mapigilan ang pag hikbi ko.

"Hindi na po kayo galit sa akin ma?" tanong ko.

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko.

"Anak, hindi naman kasi ako galit sayo eh. Hindi ko kayang magalit. Nag tampo lang naman ako. Sino ba naman kasing ina ang gustuhin na magsinungaling ang kanyang anak diba? Kaya sa susunod kung may problema ka man ay huwag mong sarilihin yan kasi nandito naman ang mama mo na handang tulungan ka" sabi ni mama na agad nag pa hagulhol sa akin.

"Sorry po talaga ma, sa susunod hindi ko na po yun uulitin." pangako ko sa kanya. "Pero Ma, may isang tinatago pa po ako sa inyo." kabadong sabi ko.

"Nasira ko po yung cellphone ko."

"Ah yun ba? Sinabi na nga sa akin ng kaibigan mo. Pumunta siya dito sa bahay kanina at may ibibigay daw sayo at nagulat nga ako ng bigla siyang humingi ng tawad sa akin.  Inamin niyang siya daw ang may kasalanan sa lahat. Ang sabi din niya sa akin na hindi mo lang daw gustong mag-aalala ako kaya pinili mong mag sinungaling na lang sa akin." mahabang paliwang ni mama sa akin.

"Hindi ka ba niya pinuntahan sa palengke?"

Kaibigan? Sila Joy at Louie lang naman ang tanging kaibigan ko ah. Hindi ko naman sinabi sa kanila kaya wala silang alam na suspended ako. Pero bakit alam nila?

"Anong oras po bang pumunta sila Joy at Louie dito? Ma"

Nakita kong kumunot ang noo ni mama.

"Joy at Louie? Hindi anak, Si Hunter ang tinutukoy ko" ani mama.


Watdaaaaaa! Totoo ba to? Yung mangangaso slash mokong na iyon?

"Teka ma, sure po ba talaga kayong Hunter ang pangalan niya? Baka nag kamali lang po kayo ng dinig. Atsaka hindi po ba siya yung nagsabi sayo tungkol sa suspension ko?" di makapaniwalang tanong ko.

"Mga babae ang nag sabi sa akin about sa suspension mo anak. Hindi yung si Hunter."

Impossible talaga eh! I can't believe this, char napa english tuloy si inday hahaha.

Pero bakit niya naman gagawin yun? Tinatamaan din naman pala ng konsensya ang isang Brevin Hunter Treyton.  Tapos anlakas ko pang sisihin siya kanina. Aish bahala na si batman. Mag so sorry na lang siguro ako sa kanya bukas.




Ang gara talaga nitong gate ng Treyton High. Halatang halata sa labas pa lang na mga mayayaman lang ang puwedeng maka pasok dito. Naligaw lang talaga ako.

Tapos na pala ang suspension ko at ngayon nag dadalawang isip pa nga ako kung papasok pa ba dahil I'm sure na marami na naman akong haters nito.


Papasok?

Hindi?

Papasok?

Hindi?

Papasok--

"Di ka pa ba papasok?"

"Ahh ipasok mo na!"


Homaaay siomai.


Nakita kong nanlaki ang mata nitong lalaking nasa harapan ko dahil sa sigaw ko.

Hearthbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon