Chapter 34

460 27 3
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay na narinig ko mula sala. Sino naman kaya ang kausap ni mama sa ganitong oras?

Agad pumasok sa isip ko na baka may ka call siya cellphone niya. Alam niyo namang advanced masyado akong mag isip kaya kahit na na inaantok pa dahil sa kakaisip sa sinabi ni mama kagabi ay bumangon na lang rin ako at inayos na ang higaan.

Nang makalabas ay tinaas ko ang dalawang kamay ko. You know stretch your body rin pag may time. 

"Ma, sino ang kausap mo---"

Puchaaaa!

Boung akala ko ay ang titig ni mama ang  unang sasalubong sa akin pero pakshims lang at ang mga titig pala ng dalawang lalaking pumuyat sa akin kagabi. Specifically dahil sa ligaw thingy okay? Baka ibang meaning iniisip niyo diyan eh.

Awtomatiko namang nag krus ang dalawang kamay ko para takpan ang dibdib at dali daling pumasok ulit sa kwarto para mag bihis.

Kung bakit ba kasi itong sando ko pa noong high school ang sout ko ngayon. Paano ba naman kasi at iyong mga pambahay ko sana ay hindi pa natutuyo kaya no choice ako na soutin itong putek na fitted sando nato.

Kaagad kong hinalungkat ang loob ng maleta na bigay ni Alfredo kahapon at may nakita akong isang plain white t shirt. 

Actually, wala pa sana akong planong soutin ang t shirt na pasalubong niya kasi nga nasasayangan ako kong i- pambahay lang pero anong magagagawa ko? Alangan namang itong fitted sando ang ipang display ko sa harapan nila. Edi mas lalong ma inlab sila....

Pucha! Ang hilas.

Bago ako lumabas ay tinignan ko na muna ang mukha ko gamit ang camera sa cellphone at bumungad lang naman sa akin ang sabog na buhok at naglalakihang eyebags.

May pa mas inlab inlab pa akong nalalaman, eh baka na turn off na nga sila eh.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" kunot noong tanong ko nang makalabas na ako sa kwarto.

"I'm here to fetch you" walang emosyong sagot ni Hunter.

Kabaliktaran naman ang naging reaksyon ni Alfred dahil napa ngiti siya nang makitang sout ko ang bigay niya. "Mabuti na lang at nag kasya sayo" aniya.

Hindi makawala sa paningin ko ang pagkasalubong ng kilay ni Hunter.

Akmang magsasalita na sana ako pero na unahan ako ni mama.

"Anak, maligo ka na. Anong oras na oh!" pag sesermon ni mama sa akin. Wala na akong nagawa at dumiretso na lang sa banyo.

"Nag agahan na ba kayo?" narinig kong tanong ni mama sa kanila pagkatapos kong maligo at makapag ayos.

Sabay namang umiling ang dalawa. Tignan mo to oh, bat hindi sila kumain muna bago pumunta dito. Duh!

"Mabuti na lang at dalawang cellophane ng goodbye head ang nabili ko" ani mama.

"Talaga tita? Na miss kong kumain niyan" excited na sagot ni Alfred.

Ngumiti si Mama sa kanya at binalingan ng tinigin ang kanina pang naka kunot na noong si Hunter.

"Iho, ikaw ba? Kumakain ka ba ng toyo?" tanong ni mama.

Umiling siya. "Honestly tita, it will be my first time" nahihiyang sabi niya. "Can I give it a try?"

Napa ngiti na lang si mama sa kanya at saka tumango. "Bigyan niyo akong ng limang minuto at maluluto nato"

"Tulungan ko na po kayo tita" ani Alfred at saka sinundan si mama sa kusina.

Hearthbeats [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon