Naabutan ko siyang nakahalukipkip habang naka sandal sa kotse niya. Hindi ba siya aware na ang daming babaeng naka tingin sa kanya ngayon? Pano ba naman kasi at parang nasa photoshoot lang ang mokong.Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit. Rinig ko pa ang mga bulungan ng mga tao sa paligid.
"Girlfriend niya ba yan?"
"Eww, I can't believe it. Look at her, she's cheap"
"Yeah, you're right. She doesn't deserve him. That guy is freaking hot!"
"Baka muchacha?
Bla bla bla. Bahala na kayo uy. Nasanay na ako.
"How was it?" tanong niya sa 'kin.
"Ayos lang naman, hindi naman kasi malala eh. Ang O.A mo lang kasing maka react" tawa ko.
"Tss..... Let's go ihahatid kita sa inyo." aniya at hinila ako. Napasinghap tuloy yung mga babaeng nasa paligid namin. Aish... Bakit ba kasi ang hilig gumawa ng eksena nitong mangangaso nato.
Hindi ko na lang muna tinanong yung about sa mama niya kasi baka ayaw niya pang pag-usapan iyon. At saka hindi naman kami close para mag open up siya bigla sa 'kin. Hihintayin ko nalang muna ang right time para doon.
Ang akala ko ay magiging tahimik lang ang boung biyahe namin pero bigla na lang siyang nag salita.
"Laureen told me about the favor" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Is it true that Dr. Fraile asked a favor to you?" walang emosyong tanong niya sa 'kin. Napa tango na lang ako. Totoo naman eh! Wala naman akong rason para i deny yon.
Napansin ko ang pag higpit ng hawak niya sa manibela "Kaya mo lang ba ako inalagaan dahil sa pesteng pabor na yon?" walang emosyon ang mukha niya pero bakas ang pait sa boses nito.
Ito kaya yung dahilan kung bakit galit na galit siya sa 'kin kanina? Mag e explain na sana ako pero bigla na lang siyang nag mura. Aish... Pwede bang pa salita in mo muna ako no?
"Nevermind, I don't care kung--" pinutol ko ang dapat sasabihin niya. Amputek! Ang dami pa kasing sinasabi.
"Oo noong una, inaamin kong napilitan lang ako pero hindi ko rin maiwasan ang mag-alala sayo okay? Lalo na't palagi mong sinasabi na okay ka lang pero ang totoo ay sumusuko na yang katawan mo. Tapos ayaw mo pang mag pahinga" giit ko.
Biglaan niyang hininto yung kotse at tumingin sa 'kin. Pakshims mabuti na lang talaga at nag seatbealt ako, kung hindi baka bukol ang aabutin ko nito.
"Alam mo Hunter? Simula noong iniligtas mo ako doon sa elevator ay laking pasasalamat ko sayo noon" patuloy ko. "Mahirap mang aminin pero ang totoo niyan ay ikaw ang nagsilbing liwanag ko, habang hinaharap ko ang kinatatakutan ko." mahaba kong paliwanag sa kanya.
Sunod sunod siyang nag mura at napansin kong medyo namumula na rin siya. Anong problema nitong mokong nato?
Natigilan ako nang ilapit niya ang mukha sa 'kin at hindi ko inasahan nang bigyan niya ako ng isang halik sa noo. Pakshims!! Mabuti na lang talaga at lumayo kaagad siya pag katapos niyang gawin yon. Amputek lang!
Ngumiti siya "F*ck! I'm one hundred percent sure now" aniya at pinatakbo ulit ang sasakyan. Anong pinagsasabi niya? Tumaya ba siya? Aishhh..... pashnea bakit niya ginawa yon!
Nang maihatid niya ako ay sinabi niyang balik eskwela na kami bukas. Ang akala ko nga ay ihihinto na niya ang pag hatid sundo sa akin pero nagulat na lang ako ng sinabi niyang hintayin ko siya bukas dahil sabay daw kaming papasok.
BINABASA MO ANG
Hearthbeats [Completed]
Teen FictionElements Series #1 You are my world, my Earth Brianna. No matter how I tried to stay away, Gravity always pulls me towards you. I'll do anything to make your heart beats for me. -Brevin Hunter Treyton