Chapter 12: Spin

72 13 1
                                    

Reixel's P.O.V.

"Pesteng ahas naman 'yan," sabi ni Ally. Pinagmamasdan namin ngayon ang susi sa loob ng kahon. Paano na ba 'to.

"Sige dito muna kayo. Hahanapin ko lang 'yung isang susi." Paalam ni Honey sa amin saka naglakad papunta sa kabila.

"Guys check this out," nakangiting sabi ni French. Ipinakita niya sa amin ang isang tubo.

"That's good," sabi ni Ally.

Kinuha ko ito kay French. Sinilip ko ang ahas pero hindi ko makita dahil sa mga maliliit na sanga ng kahoy at mga dahon na nasa loob nitong kahon.

"French," tawag ko sa kanya.

"Ops?" lumapit siya sa akin.

"Pakidampot nga ng susi," utos ko sa kanya.

"Ano?" nabigla siya sa tanong ko.

"Ayoko, Ally ikaw nalang," pagtanggi nito.

"Nge, ikaw nga ang inuutusan ko," giit niya. Tinapik ako ni Celestria. Tinuro-turo niya ang kanyang sarili.

"Oh tama na 'yan." Pagpigil ko sa dalawa. "Si Celestria na ang kukuha," tinanguan ko si Celestria.

Lumapit ako ng kunti sa kahon. Si Celestria naman ay nagbibilang. Nakaabang lang ako kung sakaling tutuklawin siya ng ahas ay hahampasin ko kaagad ito.

"Okay 'di ako titingin," naglakad si Ally papunta kay Honey.

1, 2, 3 mabilis na kinuha ni Celestria ang susi. Mabuti na lang at hindi siya natuklaw nito.

"Nakuha na namin," sabi ko sa dalawa.

"Nahanap ko na rin 'yung isa," sabi naman ni Honey.

Nahanap na namin ang dalawang susi. This time 'yung dalawang kahon na may "X" naman ang hahanapin namin.

"Kahon na may "X" naman ang hanapin natin," sabi ni Honey.

Naghiwalay ulit kami tsaka hinanap ang kahon na may markang "X". Napalingon ako kay Celestria ng umungol siya. Lumapit ako sa kanya.

"Ha?" tanong ko.

Nag aaction siya. Tinuro niya ang kahon na nasa harapan namin. Tinanggal niya ang nakatakip na tela rito. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Kaagad akong lumuhod at binuksan ang kahong ito.

"Nahanap niyo na?" tanong ni French ng makalapit siya sa amin. Tumango ako. Bumungad sa amin ang isang nakabusal na babae sa loob ng kahon. Kaagad namin siyang inalalayan palabas. Gising siya. Nanginginig ang buo nitong katawan.

"Get some cloth," utos ko kay French. Kaagad niyang dinampot ang takip ng kahon saka ibinigay sa akin. Ibinalot ko ito sa katawan ng babae.

"Hon, bilisan niyo. Hanapin niyo ang isa pa baka nagyelo na 'yon," sabi ko sa kanya. Inasikaso muna namin ang babaeng 'to.

"Teka lang. Kaklase ko 'yan," sabi ni French ng mapantayan niya kami.

"Nanaman? May reunion ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Ewan. By the way she's Thelyssa," pagpapakilala niya.

"Okay take care of her first. Hahanapin lang namin 'yung isa," sabi ko bago tumayo.

"Nandito 'yong isa," tawag ni Honey.

Kaagad akong lumapit sa kanya. Inilabas namin ang babae sa loob ng kahon. Nanginginig na rin ito dahil sa labis na lamig. Binalutan siya ni Honey ng tela para hindi na ginawin.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon