2: Timer

207 16 2
                                    

Celestria’s P.O.V.

Ano ba kasi ang nangyayari? Pilit ko na inaalala kung paano ako napunta rito. But I can’t remember anything. That's weird. I've noticed that we are all wearing our maroon school uniform. There is a possibility na galing kami ng school then they abducted us and boom! Dito ang bagsak namin. As written at my name tag. I am the player number 4. I don’t know kung anong pakulo ‘to pero it’s something strange and I don’t like it. Masama ang kutob ko rito.

“Oh, heto manok gusto mo?” Inabot sa akin ni Reixel ang fried chicken.

Kinuha ko naman ito tsaka kumagat. Kahit kailan talaga ang ingay-ingay ng babaeng ito, hindi gaya ni Honey tahimik lang. Magsasalita lang siya kapag may importanteng sasabihin o inaasar siya ni Reixel. Bumagay naman ang pagiging madaldalin ni Reixel sa pagiging campus journalist niya samantalang si Honey naman ay may pagka-mysterious type. She knows a lot of things. Matalino rin siya. She’s not wearing any glasses. Naka-pin lang ang buhok nito na hanggang balikat ang haba.

“I think nag-meet na tayo noon,” sabi ni French habang kumakain.

“Where?” nakangiting tanong ni Kazianna

“’Diba ikaw ‘yung secretary ng music club?” sabat naman ni Reixel sa usapan nila.

“Yeah you’re right. Paano mo nalaman?”
Napasimangot naman si French dahil sa pagsabat ni Reixel sa usapan nila dalawa.

French’s P.O.V.

Tapos na kaming kumain. Iginala ko ang aking paningin dito sa loob. Sa ilalim ng wall clock ay may isang maliit na orasan ulit. Pahaba ang hugis nito. Something’s wrong with this place. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa sahig. Lumapit ako sa harapan ng wall clock. Tumingala. Pinagmasdan ko ito nang mabuti.

“That’s strange,” bulong ko nang makita ang kabuuan nito. Kulay itim ito na parang may mga numbers sa loob. Timer? Oo, tama! timer nga.

“Ano ‘yan?” si Honey.

“Iyong timer sa ilalim ng wall clock, para saan ‘yan?” ako naman ang nagtanong sa kanya. Pinagmasdan niya ito nang mabuti. Napaisip sandali.

“Well I don’t know rin kung para saan ‘yan,” she answered.

We are clueless. We don't know where we are and who brought us here. Wala na ‘ata kaming chance na maka-alis sa Lugar na ito.

Tinapik ako ni Honey sa balikat. I glanced at her.

“Ano ‘yon?”

May itinuro siya sa sulok ng kisame. Oh, come on! Nasaan ba talaga kami? Someone are watching us!? Isang closed-circuit television camera ang itinuro ni Honey.

“I’ll check in the other corners.” Naglakad siya papunta sa kabilang side nitong silid. Sinundan ko siya.

“May nahanap ka?” tanong ko nang makalapit sa kanya. She nodded while staring at the corner of the ceiling.

“Meron din dito at doon.”

Yes, mayroong cctv cameras na nakakabit sa apat na sulok nitong silid. Bawat galaw namin ay natatanaw nila. There’s someone behind this creepy thing. Kumaway kaway ako sa isang cctv camera. Tinabig naman ni Honey ang kamay ko.

“What are you doing?” nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Napa-cross arms naman ako.

"Baka mapansin nila tayo."

“Hindi natin alam kung sino ang nasa likod nito so we need to becareful.”

"Fine."

Tick!
Napalingon kaming lahat sa tumunog na orasan—no it’s the timer. Natahimik ang lahat nang tumunog ito. The timer is set in 10 seconds countdown.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon