Honey's P.O.V.
After kong maglagay ng picture sa may box ay kaagad na bumukas ang mga knob ng pinto. Patakbo kong tinungo ang isa sa mga pinto saka binuksan ito. Natigilan ako ng mapansin kong nagfi-flicker ang mga ilaw rito. Iginala ko ang aking paningin sa buong silid. May nakikita ulit akong mga pinto. What's this place?
"Hello?" pagtawag ko.
Marahan akong naglakad papasok sa kwarto na ito. Medyo nakakahilo ang mga ilaw dahil sa pagpatay sindi ng mga ito.
"Ally? Reix?" muling pagtawag ko. Nasaan sila? Nasaan ako?
"Hello player number 02 welcome to the stage 06 to 08 of our game." May nagsalita mula sa kung saan. That Master again. Saan na naman niya kami dinala!?
"This game is in titled Maze... there are 32 rooms in this place...in order to win this game you'll need to find the exit room of the maze...Good luck player number 02," paliwanag niya. I see. Kaya pala puro pintuan lang ang nakikita ko rito.
Tumingin ako sa mga pintuan na nandito. One of this door can lead me to the exit room, pero paano ko malalaman kung aling pinto ang papasukan ko. Napalingon ako sa aking likuran ng may narinig akong tunog ng basag na glass. Kasabay nito ay ang pagsara ng pinto kung saan ako pumasok kanina. Kaagad ko itong binuksan pero nakalock na ito. Sh*t. Mura ko sa aking isipan. Dapat pala sigurado ako sa bawat pinto na papasukan ko. Nakarinig ako ng mga paghikbi. Patuloy pa rin ang pagfi-flicker ng mga ilaw.
"Hello? Sinong nandiyan?" pagtatanong ko.
'Di ko masyadong makita ang buong paligid dahil sa sobrang dilim ng buong silid. Marahan akong naglakad habang pinapakinggan kung saan nanggagaling ang ingay na 'yon. Sa bawat paghakbang ko ay tumutunog ang mga basag na glass sa may sahig.
"Hell—" hindi ko naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng bigla akong natisod sa kung anong bagay.
Natumba ako sa may sahig. Napadaing ako sa sakit ng maramdaman kong nasugatan ako ng mga nakakalat na bubog. Nanginginig ang aking mga kamay at paa habang sinusubukan kong tumayo. Naramdaman ko na may sumagi sa akin kasabay ng mga mahihinang pagungol nito.
"Sino 'yan?" tanong ko.
Tanging ungol lang ang naririnig ko. Kinapa ko kung ano man ang sumagi sa akin. T-tao? Hinanap ko 'yung kamay niya sa pamamagitan ng pagkapa. Naramdaman ko ang lubid na nakatali rito. Bago ko siya kinalasan ay hinanap ko muna ang mukha niya. Nakapa ko 'yung busal sa bibig niya. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Nasaan ako?" kaagad nitong tanong sa akin. Halatang takot siya sa tono ng boses nito.
"Relax, I don't know kung nasaan tayo," sabi ko sa kanya.
"Natanggal ko na ang tali sa kamay mo. Tumayo ka na diyan," sabi ko sa kanya.
"I can't may nakatali pa sa paa ko," sabi niya sa akin. Bumuga ako ng hangin.
"Ha? Tanggalin mo na para makaalis na tayo rito," utos ko sa kanya.
"How long you've been stayed here?" paibang topiko ko.
Iginala ko muna ang paningin ko sa buong silid. Nararamdaman ko 'yung hapdi sa aking mga palad at tuhod.
"Ngayong araw lang naman, I don't know the exact time," sagot niya saka tumayo na siya. Mataas siya ng kunti sa akin.
"Let's go we better move," sabi ko saka naunang maglakad.
"What's your name?" tanong niya habang nakasunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Animus: Escaping Death
Gizem / GerilimAs the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna, Reixel, Celestria, French, and Ally awoke to find themselves shackled and seated on large wooden ch...