Celestria's P.O.V.
3 years ago
"Kamusta school?" tanong ni Mommy sa akin habang naglalakad kami patungong bus stop.
It's 7:08 pm. Maaliwalas ang kalangitan kaya matatanaw ang mga kumikinang na bituin at ang bilugang buwan. Huminga ako ng malalim bago humarap kay Mommy.
"Ayos lang naman po. Masaya," sagot ko.
My mom work as a nurse sa isang hospital dito sa amin. 9 years na rin siyang nasa serbisyon. Si Daddy naman ay nasa bahay lang nagpapagaling dahil na istroke siya limang buwan na ang nakalipas.
Kasalukuyan kaming naghihintay ng bus dito sa bus stop. Sa hindi kalayuan ay natatanaw na namin ni mommy ang paparating na bus. Huminto ito sa tapat namin bago bumukas ang pintuan nito.
Una kong pinaakyat si Mommy, nakasunod naman ako sa kanya. Sa gitnang bahagi kami ng bus umupo. Sa right side. Pumwesto ako malapit sa bintana. Ilang minuto pa ay nakaalis na rin itong bus matapos makaakyat ang mga humahabol na pasahero.
"Card day po pala namin sa makalawa Mom," pagbukas ko ng topiko kay Mommy.
"I'll check my schedule kung walang conflict pupunta ako ro'n,"
Nakangiting sabi nito sa akin. Tinanguan ko na lamang siya. Inilabas ko ang aking headset saka sinaksak sa tenga ko. Hindi gaano kataas ang volume ng music na pinapakinggan ko para naman marinig ko kung may sinasabi si Mommy sa akin. I slowly close my eyes and then nakaidlip ako.
"Hold up to!"
Nagising ako sa isang malakas na sigaw. Dahan dahan ko ng iminulat ang aking mga mata ko ng makita ang dalawang armadong lalake na naka itim na bonnet. Tinututukan nito ang iba pang mga pasahero.
"M-Mom anong nangyayari?" kinakabahan kong tanong.
"Shh don't worry magiging maayos din ang lahat," pagpapakalma sa akin ni Mommy.
'Wag kayong kikilos ng ikapapahamak ninyo!" sigaw ng isa sa mga lalake. Napahalukipkip naman sa takot ang ibang pasahero.
"Ikaw driver! 'Wag kang hihinto sa pagmamaneho kung ayaw mong mabasag ang bungo mo," sabi naman nito sa driver.
Napayakap ako kay Mommy dahil sa takot. Lumapit ang lalake sa mga pasahero na may hawak na malaking bag.
Sinimulan nitong kolektahin ang mga alahas, gadgets, pera, at iba pang mga gamit na pwedeng pakinabangan. Habang abala ang dalawa sa panghohold up ay napansin ko ang marahang pagtayo ng isang mama sa lirutan.
Sinubukan niyang patumbahin ang lalakeng may hawak na baril ngunit masyado itong malakas. Itinumba nito sa sahig ng bus ang mama saka tinutukan ng baril.
"Gusto mo bang barilin kita!?" sigaw nito.
Tatayo na sana ang isang lalake na sa trenta ang edad para awatin ang dalawa ngunit kaagad naman itong pinaputukan ng lalake sa may tuhod. Napasigaw ang lahat ng pasahero dahil sa takot. Mas humigpit ang pagkakayakap ko kay Mommy.
"Kailangan natin siyang dalhin sa hospital," nabigla ako ng magsalita sI Mommy. Tinawanan lang siya ng isang lalake.
"Hindi naman po kami bobo para gawin 'yon ma'am," sabi nito saka naglakad-lakad sa loob ng bus.
"Mauubusan siya ng dugo kapag hindi siya kaagad maidala sa hospital," giit ni Mommy.
Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya. Tila bingi ang dalawang lalake at pinagpatuloy lang ang kanilang mga ginagawa. Hindi nila pinansin ang sinabi ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Animus: Escaping Death
Mystery / ThrillerAs the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna, Reixel, Celestria, French, and Ally awoke to find themselves shackled and seated on large wooden ch...