4: Times Up

109 13 4
                                    

French’s P.O.V.

You’re next player number...”

Kinakabahan ako sa mga oras na ito. Ikatlong task palang  pero tagaktak na ang pawis ko. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng aking labi habang hinihintay ang anunsyo ng Master na ‘yan.

“…number 11.” 

Si Ally ‘yon. Narinig niya ang kanyang numero. Napatingin siya sa amin. I can see the fear in her eyes.

“Kaya mo ‘yan Ally. Be strong,” bulong ko habang pinagmamasdan siya.

Tahimik pa rin ang lahat ngayon. Ayan na naman. Tumunog ulit ang speaker.

“Simon say, pull the earings of player number...” 

Pambibitin niya sa amin. Narinig ko ang mahinang mura ni Celestria habang matiim na nakatingin sa speaker.

“…number 08.”

Nanigas ako sa aking kinauupuan. Nabingi ako sa aking narinig. T-tama ba ang narinig ko? Number ko ‘yon!
The timer starts running.

“Ally gumalaw ka na riyan,” sabi ni Reixel sa kanya.

“A-anong gagawin ko? Hindi ko kaya,” sabi ni Ally.

Kapag hindi niya magagawa kung ano ang iniuutos sa kanya ay natitiyak kong siya ang unang makakatangap ng punishment.

“Ally do it now!” sigaw ko sa kanya.

Napatingin silang lahat sa akin. I don't know. Bigla na lang ako nagsalita ng ganoon. I was also shocked on what I've said.

“Please gawin mo na. Nasasayang ang oras,” pinanindigan ko na lamang ang aking sinabi.

Kaagad naman siyang lumapit sa mesa at naghanap ng pwede niyang gamitin. She choose a pliers. Pinagmasdan niya muna ito tsaka lumapit sa akin.

“R-ready?” kinakabahang tanong niya.

I nodded. Bahala na ‘to. Huminga ako nang malalim Naramdaman ko ang nanginginig na kamay ni Ally nang mahawakan niya ang dulo ng aking tenga. Mukhang masakit ang gagawin niyang ito. I closed my eyes. Wala akong naramdaman. Narinig ko na lamang ang paghulog ng isang mabigat na bagay sa lapag.

“You can do it, Ally.”

Boses ‘yon ni Kazianna. Narinig ko na humihikbi si Ally. She’s crying again. Naramdaman ko ang pag-ipit ng malamig na bakal sa ibabang bahagi ng aking tenga. Inipit nito ang suot kong earings. Napangiwi ako dahil sa sakit. Bigla rin naman itong lumuwag dahilan upang mapadilat ako.

“Hindi ko kaya. I can't do it,” umiyak na ng tuluyan si Ally. Lumingon ako sa timer. 2:30. Malapit na siyang maubusan ng oras.

“Ally mapapahamak ka niyan,” giit ni Celestria.

Bahala na. Kaagad kong inagaw kay Ally ang pliers. I closed my eyes. Inipit ko ang suot na earrings. I bit my lower lips then, I suddenly pulled it downwards together with the pliers kasabay nang pagsigaw ko ng malakas. I tried to endure the pain.

“French no! Stop it!” narinig kong sigaw ni Ally. Hindi ko siya pinakinggan.

Muli kong inipit ang kabilang earrings ko. Gano’n din ang ginawa ko rito. I drop the pliers in the floor ng matapos na ito. I feel my own blood dripping out on my shoulders. Ang hapdi ng sugat na nagawa nito. Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang sakit. I heard them crying too. This time the game become serious.
The timer stops. Puro iyak ang maririnig sa buong silid.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon