Chapter 24: Trio

42 9 0
                                    

Celestria's P.O.V.

Huminto ako sa likod ni Cherry at pinagmasdan siya habang binubuksan ang pinto ng room 06. I'm hoping na wala sanang aatake sa amin. Pagpihit niya ng knob ay hindi niya muna ito binuksan, bagkus ay lumingon siya sa akin.

"Bubuksan ko na," sabi niya sa akin.

"Just do it," sabi ko tsaka siya nginitian.

Tumambad sa amin ang nagfiflicker na mga ilaw ni Cherry ang pinto. Nag aalinlangan pa kaming dalawa kung tutuloy ba kami o hindi dahil baka mamaya may susulpot na naman bigla saka papatayin kami. But suddenly we heard some sobs from a distance, inside of the room.

"There's someone here," nahinang sabi ni Cherry.

"Let me see," hinawi ko siya saka marahamg pumasok sa loob.

Masakit sa mata ang ilaw na nandirito. Maybe kapag nagtagal ka ng isang araw sa loob nito ay mabubulag ka.

"Hello, sinong nandiyan?" pagtatanong ko na ikinatigil ng paghikbi nang kung sino. Naramdaman ko ang paglapit ni Cherry sa akin.

"Are you sure about this?" tanong niya.

"Yes, I'm sure. Nasisigurado kong kasama natin 'yong narinig ko," giit ko sa kanya. Huminto ako ng may naapakan akong matigas na bagay. Parang may nakaharang sa dinaraanan ko.

"C-Celes?" narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Teka lang. Familiar ang boses na 'yon. "Celes ikaw ba 'yan?" pagpapatuloy niya.

"French ikaw ba 'yan? Nasaan ka?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"I-I'm here in the corner," sagot niya.

Tumingin ako sa sulok ng kwarto. Nakita ko siya sa left side na sulok nitong silid. Nagmumukmok. Kaagad namin siyang nilapitan ni Cherry. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya gamit ang isa kong kamay.

"What happened to you?" tanong ko sa kanya.

"Na-napatay ko 'yung lalake," nanginginig na sabi nito habang nakayap sa kanyanh mga tuhod.

"May kasama ka ba?" si Cherry naman ang nagtanong sa kanya. Tumango siya.

"Nasaan siya?" I asked her again.

"I'm with Reixel kanina. Nakita niya ako kanina sa room 22 tapos napadpad kami rito without knowing na kasama namin ang isang killer. He tried to kill us. Nilabanan siya ni Reixel but he's too strong." Pagkwento niya.

"Nakahanap kami ng timing ni Reix na makatakas sa kanya but I choose too stay. Tinulungan ko siyang makaalis dito. Akala ko mamamatay na ako," pagtatapos ni French saka pinunasan ang tumutulong mga luha.

"Nasaan na siya?" tanong ko.

"I don't know, naniniwala akong ligtas siya ngayon," sagot niya sa akin.

"I-is that the guy?" nakaturo siya sa gitnang bahagi ng silid.

Nakataob ang lalake habang naliligo sa sarili niyang dugo. Naglalat din ang talsik ng mga ito sa sahig.

"Oo siya nga. Teka lang anong nangyari sa isang mong kamay Celes?" she noticed it.

"Ito ba? Resulta ito ng punishment ko kanina." Sagot ko bago bumuga ng hangin. "Nga pala si Cherry," pagpapakilala ko sa aking kasama.

"Hi nice meeting you French," nakangiting sabi ni Cherry sabay lahad ng kamay kay French. Inabot naman niya ito at nagkamayan sila.

"Alam niyo na ba kung nasaan ang exit room?" tanong ni French sa amin.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon