"Guys, what we need is to survive together, bakit ganto? bakit kailangan mag-lamangan tayo?" malumanay na pagsasalita ni Sandra sa harap.
"Kaya nga. Parang di apat na taon na magkakasama ah?" sabat ni Sean.
"Parang tanga. Seryosong usapan tapos isasali mo yang walang kwentang sinasabi mo?" Makikita sa mukha ni Jeffrey ang inis dahil sa pagbibiro ni Sean.
"Oo nga pre, para kang gagstu. Ginagalit mo si Mr. President." seryoso ang boses ni Brian pero ang itsura nya ay isang malaking joke.
Kahit na ganoon na ang pinakitang galit ng kanilang presidente sa klase ay maririnig ang maliliit ng bungisngis ni Sean pati ng mga tropa niya sa likurang banda ng meeting room.
"Pre, tahimik na." sabi ni Andrew pero tatawa-tawa pa rin ang loko.
"Tatlong buwan nalang, konting konti nalang oh, sana naman maging maayos na yung bawat gagawin natin." Emosyonal man ay hindi maitago ni Lois ang arte sa pagsasalita.
Muling natahimik ang lahat. All of them suddenly remembered that 3 months were only left for them to be together in a class, ang iba ay biglang nalungkot dahil maghihiwalay na sila sa wakas, pero ang iba ay natutuwa dahil makakaalis na rin sila at hindi na makikita ang isa't isa.
"Nag-aaway away na naman tayo dahil sa play na 'to? What the hell, ilang tasks na natapos natin and we successfully made those tasks right. Dito pa tayo susuko? Sa huling task para sa ating lahat?" Samantha already stood up infront, wearing her intimidating aura which makes everyone listen.
Kung pagmamasdan mo ang mga kabataang nasa loob ng kuwarto, ang iba sa kanila ay nakikinig ng mabuti, ang iba ay ginagamit ang cellphone, at ang iba ay tumatabingi na ang leeg dahil inaantok na makinig.
"Kapag hindi pa kayo umayos, tatanggalin namin kayo sa play. Gumawa kayo ng sarili nyong task, kung kaya nyo." Mataray na sagot ni Marggiar.
"Ang dami nyong sinasabi, edi tanggalin nyo." naiiritang sagot ni Johnreeve na tila walang pakialam kung bumagsak man siya o hindi.
"Uy pre, wag naman. Maaawa na naman ako tas sasamahan ka." bulong ni Wyngard sa kanya.
"Ako din, mga yawa kayo." sagot din ni Gabriel.
"Wala talagang umuubrang pananakot sayo reeve 'no? Isisisi mo sa amin kapag bumagsak ka, e kasalanan mo din naman?" Si Alliah ang sumagot sa reklamo ni Reeve.
They're friends but when it comes to doing tasks, Alliah is bursting out her anger even though you're her closest friend just to make everything good.
Sa kabilang banda, makikita si Carlo na tahimik at tila walang interes na makinig sa mga nagbabatuhan ng salita, katabi nya si Grace, Pamhela, Jamaica at Heart na busy rin sa pagbubulungan ng kung ano anong bagay.
Sina Sean, Wyngard, Johnreeve, Andrew, Brian, at Francis ay makikitang nagtatawanan pa rin ng palihim. Himala na hindi nakikisali ang isa nilang tropa, si Harry, marahil ay seryoso ito dahil siya ang gaganap na isa sa mga bida.
Nasa harapan naman si Sam, Lois, Jeffrey at Cescel dahil sila ang naka-assign sa pagli-lead ng kanilang huling task. Kasama nila ang ibang production team na tahimik lang din na nakatingin sa bawat isa.
Ang mga actors at actresses na gaganap ay iba iba rin ang ginagawa. Ang iba ay pasimpleng ginagamit ang cellphone, ang iba ang nagbubulungan, ang iba ay nakatulala at parang wala sa isip ang pinag-uusapan nila.
Miss Andrea wants the class to have a Musical Theater Play to serve as their last and final group task. Hindi nila alam kung ma-swerte ba sila dahil maganda o malas dahil mahirap gawin ang play na nabunot nila, Aladdin.
Pagkatapos ng task ay makakalaya na sila mula sa apat na taong pagiging magka-klase, mag-kaibigan, magka-plastikan, at pagiging mag-kapatiran.
Iyon na ang huling tatlong buwan na magkasama silang humiga sa iisang sahig, kumain ng sabay sa iisang kwarto, matuto ng sabay sa iba't ibang bagay, at makasama ang isa't isa.
Apat na taon silang nagtiis sa gitna ng kawalan, apat na taon silang nagtiis ng walang maayos na tulog, apat na taon silang nagtawanan, apat na taon silang kumakanta at sumasayaw ng magkakasama, at sa apat na taon na 'yon, ang iba ay nakakaramdam pa din ng pag-iisa.
"In two weeks, we will perform the Play. And for everyone's information, nasa 10th page na tayo ng Script." Jeffrey, the director, informed them.
"Nice Jefff!!" sigaw na naman ni Sean.
"Bobo, 30 pages to."
YOU ARE READING
THE BOAT IS SINKING
Mystery / ThrillerFifty Students were accepted to be part of the Special Class. At first, they thought that they're very lucky to be part of that Class, but then secrets were revealed. Secrets that shattered them into pieces. Who would've thought that an innocent st...