FOURTEEN

43 3 0
                                    

3rd Person's POV

A week ago, Bea revealed her secrets. And now, everyone's keeping their distance away from her, at naiintindihan ni Bea iyon. Of course, everyone will hate her for keeping a secret like that, and she's just waiting for her punishment for revealing a secret.

"Alam mo ang mangyayari sa iyo, hindi ba?"

Kasalukuyang nasa loob ng guidance office si Miss Marites at Miss Emily kasama si Bea. Sabado na ngayon, tapos na ang periodical exam pati ang performance ng kanilang section sa folk dance.

Nakayukong tumango si Bea sa tanong ni Miss Emily sa kanya, ang kanyang ninang. Tahimik lang sya dahil alam nyang napakahirap ng parusa nya, pero hindi nya kayang magmukhang masama sa mga kaklase, lalo na sa mga kaibigan nya kaya't hanggang maaga pa, sinabi nya na.

"Kung ganoon, pumili ka na." Inilapit ni Miss Emily ang isang maliit na papel at ballpen kay Bea. 

Napaangat ng tingin si Bea sa papel, iniisip kung tama ba ang taong napili nya. Kung tama bang ito ang mawala sa section nila, kung tama ba ang rason na nabuo sa isip nya para alisin ang taong ito bilang kaklase nila.

Selfish na kung selfish, gusto ko pang makasama ang mga kaibigan ko.

Kinuha ni Bea ang papel, tinitigan ito at nag-isip sandali bago kinuha ang ballpen. Pagkatapos ay isinulat nya ang pangalan na napili, Wymvee Claire, iyon ang isinulat nya at tinupi ang papel, iniabot kay Miss Emily at umalis na sa loob ng opisina.

"Ma'am, talaga bang kailangan natin 'tong gawin?" Mahihimigan ang pag-aalala sa boses ni Miss Marites.

"Mas mabuti na ang isa kaysa sa lahat sila, hindi ba?"

"Pero ma'am—"

"Marites, alam nating may isa sa kanila na hindi mapagkakatiwalaan, mas mabuti ng sumunod tayo sa dapat iparusa,"

"Ma'am, mabuting bata si Wymvee,"

Napangiti ng maliit si Miss Emily, "Sigurado ka?"

Natigilan si Miss Marites, at nakamaang na napatingin sa munting ngiti ni Miss Emily. Tahimik na bata lamang si Wymvee, kaya't paanong tingin ni Miss Emily na hindi?

"Tahimik lang ang batang iyon ma'am, sigurado akong wala syang kinalaman sa mga nangyayari sa mga kaklase nya, aksidente ang lahat ng dahilan ng pagkasugat ng mga namatay na,"

"Kung ganoon ay bakit sya ang pinili ni Bea?" Mahina pang natawa ang gurong si Miss Emily. Hawak ang papel na sinulatan ni Bea.

"Hindi ba't pinagbintangan nya si Bea tungkol kay Michael Angelo?" Agad namang sagot ni Miss Marites dahil naalala nyang si Wymvee ang nagsabi sa lahat ng tinapakan raw ni Bea si Palencia.

"Napaka-babaw naman 'nun, kung ganoon."

"Pero wala na akong maisip na iba pang dahilan, ma'am." Nalilitong sabi ni Miss Marites dahil hindi nya naman madalas na napapansing maloko si Wymvee. Mabait talaga ito lalo na sa klase nya. Tahimik at tanging si Sandra lang ang kausap.

"Tatlong linggo na lang ako dito, paki-bantayan mo sila ng maigi para malaman mo ang bawat ugali ng mga batang iyon. Espesyal sila sa lahat ng Special Class na nagdaan, sila ang pinaka-malala sa lahat ng malala, hindi ba?" Tumayo na mula sa kinauupuan si Miss Emily at lumabas ng guidance office, dala ang papel na sinulatan ni Bea.

Habang si Miss Marites ay naiwan sa loob ng opisina, ang isip ay nasa estudyanteng si Wymvee Claire, ang estudyanteng tahimik ngunit magaling sa klase.

Hindi lubos maisip ni Miss Marites kung bakit si Wymvee ang pinili ni Bea. At talagang nakokonsensya sya dahil wala naman talagang kaparusahan si Bea, kailangan lang talaga nilang gumawa ng paraan upang hindi patayin ang buong Sampaguita dahil narinig ni Miss Am na sinabi ni Bea ang pagiging kabilang sa Clan.

THE BOAT IS SINKINGWhere stories live. Discover now