3rd Person's POV
Paulit ulit na gumulo sa isip ng mga estudyante ang sinabi ni Sir Daniel. Parang sinasabi nito na kay Trishia nga talaga ang dugo, at nakuha na ito ng ibang mga teachers.
Napansin nga ni Jeff na mukhang walang nakakapansin na wala si Trishia, wala ang isa nilang kaklase.
Pagkatapos ng mga sinabing iyon ng lalaking guro, tumunog ang bell hudyat ng sunod nilang klase. Binusalan nilang muli ang guro at saka umakyat para sa klase kay Miss Neah.
"Your periodic table, please." Miss Neah announced and immediately, Sampaguita stood up to get their periodic table of elements in their locker.
"Sampaguita, how many times do we have to tell you that before your next subject, ready all the things needed and related to that subject. Hindi yung patayo tayo kayo para kumuha pa dyan sa likod ng gamit."
Totoo iyon, laging may tumatayo para kumuha ng gamit sa locker. Kahit na ilang beses na silang sinasabihan, ganun pa rin. Pero minsan, overtime ang unang subject kaya't hindi na sila nakakakuha agad ng gamit.
"Okay, so we still have 40 minutes. 30 minutes will be given to you to memorize some of the elements, you will recite it to me, symbol and its name. 50 elements is the maximum, equivalent na yon sa 100 points."
Agad namang nagkanya kanya ang iba, tahimik na binasa ang periodic table, habang ang iba naman ay nag grupo grupo upang magtanungan ng symbol at name ng element, ang iba ay nakasimangot dahil sa ingay, hindi raw sila makapag-focus.
"The remaining 10 mins will be the recitation time of those who'll get lucky today. Bubunot ako sa index card."
Dahil sa sinabi ni Miss Neah, nagkagulo ang lahat at lalong nag ingay para makapag-kabisa ng mga elements.
"Sean, Andrew, Cescel, Brian, Jeffrey, Jazzie, Chezka, Renz, Rjim, Benido."
Sila ang mga natawag pagkatapos ng 30 minutong binigay para makapagkabisa, as usual, sina Renz, Rjim, at Benido ang nakakuha ng perfect score. Ang iba ay nakakalahati naman, walang bumagsak.
"And because you're the first ten, you'll get additional ten points." Iyon lang at lumabas na si Miss Neah.
"Bobo pre, na-mental block ako bigla! 30 na sana mare-recite ko e," Reklamo ni Brian may Sean.
"Tange, ako nga 25 lang! Buti may plus 10 tol," At sabay silang nagtawanan.
Habang si Jeffrey naman at ang iba nyang kasama kanina sa stock room at nanatiling tahimik, gusto nilang pumunta sa harap upang magsalita tungkol sa sinabi ni Sir Daniel, pero dumating na ang susunod nilang guro, si Miss Marites.
Nabuhayan sila ng loob dahil dito lang sila hindi nakakapagtago ng tunay nilang ugali, inilalabas nila sa guro ang lahat lahat ng iniisip at ginagawa ng section nila. Ito ang naging nanay nila.
Habang nagdi-discuss ang mga reporters tungkol sa Mesopotamia, pinatigil ito ni Miss Marites nang makitang nagdadaldalan sina Cescel at Khrystal.
"Miss Falcon, Miss Valdez, gusto nyo ishare?" Seryosong tanong nito.
Tahimik na tumayo si Khrystal at Cescel palapit kay Miss Marites, binulong nila rito ang pinag-uusapan nila--si Trishia.
"Oh, Sampaguita, nabawasan na naman pala kayo ng isa. Akala ko ay walang makakapansin," Sumimangot kaagad ang mukha ng guro. halatang dismayado.
YOU ARE READING
THE BOAT IS SINKING
Mystery / ThrillerFifty Students were accepted to be part of the Special Class. At first, they thought that they're very lucky to be part of that Class, but then secrets were revealed. Secrets that shattered them into pieces. Who would've thought that an innocent st...