3rd Person's POV
"Nag review kayo?" tanong ni Alyza kay Chezka at Nadine.
"Oo naman." Sagot ni Che.
"Medyo lang hehe." Sagot ni Nadine at tinuloy ang pagbabasa ng Wattpad sa kanyang iPad.
First Periodical Exam ng Sampaguita ngayon, bago pa man dumating ang adviser nila, lahat sila ay nagrereview muna. Lahat ng exam ay ite-take na nila ngayong araw, huwebes.
Bawat isa sa kanila ay may ginagawa, may nagbabasa ng handouts, nagdi-discuss sa board, nag-tatanungan, habang ang iba ay tahimik sa gilid at mukhang ipinapahinga at kinukundisyon na ang isip.
Noong mga nakalipas na dalawang buwan, normal lang ang klase nila. Nagbibigay ng activities, quizzes, at projects ang mga guro. Halos sabay sabay ito kaya naging busy ang lahat at nawala sa isip nila ang tatlong kaklase na nawala.
Wala silang balita kay Kyleen at Adrian. Hindi nila alam kung pinatay din ba ang dalawa tulad ni Moses. Pero umaasa sila na sana ay hindi.
"Hanggang bukas nalang daw yung Chapter 1 ng Research ah. Tapos nyo na ba?" tanong ni Trishia sa mga kaibigan.
"Oo. Ido-double check nalang namin mamaya bago i-print." sagot ni Nicole.
"Sana all." Sabay tawa ni Felicity.
"Ay bakit, di pa kayo tapos?" tanong ni Aila.
"Che, tapos na ba natin?" Natatawang tanong ni Feli sa kanyang partner.
"Slight." Sagot ni Chezka na natatawa rin.
Natigil lang ang pag-uusap ng mga ito ng nakita nilang nasa harap na si Sir Daniel. Bitbit ang mga test papers at ang maaliwalas nyang mukha.
"Sampaguita, I don't care if you cheat, wag lang kayong papahuli sakin." His face is serious but the voice is not. "Stand up."
Tumayo ang lahat.
"Good morning." Pagbati ng guro at tsaka ito umupo.
Bumati pabalik ang Sampaguita at umupo na rin.
"Ang una nyong exam ay Math. 40 minutes to finish the exam, no calculators allowed, ballpen lang ang makikita ko sa mga mesa nyo." Sir Daniel stood up and handed na test papers.
Tahimik lang na nag-exam ang lahat.
"Pst." Biglang tawag ni Cescel kay Sean.
Sumenyas naman si Sean ng 'wait'.
Maya-maya ay pasimple itong lumingon sa kanya. "Ano yun pre?"
"Pag negative plus negative, positive sagot diba?" Biglang tanong nito.
"Gagi. Sa multiplication yun. Pag addition, negative pa din." Bulong ni Sean.
"Ay sorry. Kita ko sa facebook kanina e."
"Mamaya ah, sa AP."
"Oo, sige."
Hindi pa man tapos ang 40 minuto na ibinigay ng guro ay tapos na silang lahat sa pagsasagot ng Math. Ang iba ay tahimik na nakayuko sa mesa at ang iba ay nagdadaldalan na.
Nakamasid lang ang guro sa ginagawa ng Sampaguita. Mukhang tapos na ang lahat dahil lahat ay iba iba na ang ginagawa.
"Pass your papers."
Pagkatapos ng ilang oras ay lunch break na nila. Tatlong exam nalang at pwede na silang magpahinga, o maghapit ng research na dapat ipasa bukas.
"Lunch time. Ang ma-late sa pagbalik, siya magiging lunch ko." Sabay malakas na tawa ng guro.
YOU ARE READING
THE BOAT IS SINKING
Mystery / ThrillerFifty Students were accepted to be part of the Special Class. At first, they thought that they're very lucky to be part of that Class, but then secrets were revealed. Secrets that shattered them into pieces. Who would've thought that an innocent st...