THREE

81 8 0
                                    

3rd Person's POV

Lumipas na ang isang buwan at maraming tanong pa rin ang naiwan sa isip ng buong Sampaguita, iyan ang section nila sa unang taon nila bilang highschool.

Normal lang ang pag-araral nila sa mga nakalipas na ilang araw. Nagle-lesson, nagre-recitation, at nagq-quiz. Sa isang buwan din na iyon, naging malapit na sila sa isa't isa. Sabay silang gumigising sa umaga, sa pagkain, at sa iba pang gawain.

"Taena pre, di ka ba natatakot sa nangyayari satin dito?" Biglang sabi ni Brian kay Sean.

"Bobi neto, duwag talaga e." Tatawa tawa lamang si Sean habang nakatingin kay Brian. Halata kasing takot talaga ito at kinakabahan.

"Isang buwan na tayo dito. Di pa din natin alam nga apelyido ng teachers natin, kahit si Ms. Aurora." Sagot ni Brian sa kanya.

Totoo naman kasi, sa tuwing tatanungin nila ang mga ito kung bakit tanging pangalan lang ang sinasabi nila, iisa lang ang sagot nilang lahat, "Pag nalaman nyo, the boat will sink."

Dahil sa ganung sagot ng mga guro, hindi na sila ulit nagtanong pa. Hindi nila alam kung biro lang ba ang mga sinasabi nila o talagang lulubog ang barko.

Hindi pa din nila nakakalimutan ang sinabi ni Ms. Aurora ng magtanong si Lois kung nasaan ang ibang estudyante, ang sabi nila noong meeting ay may makakasama sila rito. Pero sa isang buwan na iyon, barko lang nila ang nasa isla.

Lunch Break nila ngayon at lahat sila ay nasa Cafeteria. Hindi sila pwedeng kumain sa ibang lugar, parte ito ng rules na sinabi ni Ms. Aurora sa kanila. Hindi nila ito guro pero lagi itong bumibisita sa kanilang klase, ang sabi niya ay huwag nalang syang pansinin kapag ganon.

"Tsaka pre, di ka ba nagtataka kung bakit walang ibang estudyante dito maliban sa atin? Katakot." Dagdag pa ni Brian.

"Dami mong iniisip, sa pagnanakaw ng ballpen wala kang takot." Barumbadong sagot ni Sean.

"Kaya nga pre, makita lang na nahulog yung ballpen nagiging the flash bigla e." Pagsali ni James sa usapan.

"Lul, pare-parehas lang naman tayo dito." Si Wyngard.

"Di niyo gayahin si Reeve, puro babae inaatupag." Tinuro ni Andrew si Reeve na ngayon ay kausap si Mikaella.

"Tamang landi si hayop!" Sabay tawa ni Harry.

"Tanga ang iingay niyo naman. Di niyo ko gayahin, loyal kay Lois."

"Lul ka Francis, torpe ka naman." Pinakyuhan siya ni Sean.

"Ayan din naman e," turo niya kay Andrew, "Sulyap lang ng sulyap kay Jerlhynne."

Halos ganto sila araw-araw, nagbibiruan at naglolokohan, Butchukoy pa nga ang pangalan ng tropa nila.

"Mga tol, naco-contact niyo ba mga parents niyo? Ako kasi hindi, miss ko na mama ko." Biglang pag iiba ni Wyngard sa usapan.

THE BOAT IS SINKINGWhere stories live. Discover now