FIVE

77 7 0
                                    


Cescel's POV

Pagkatapos ng oras ni Miss Marites ay ganoon ulit ang nangyari, walang pumasok na guro hanggang sa matapos ang oras ng klase, tulad kahapon.

Just like yesterday, we are all waiting for something. We are all waiting for Adrian's body. Walang kasiguraduhan kung papatayin din ba sya tulad ng nangyari kay Moses, tahimik kong ipinagdasal na huwag naman sana.

Siguro lahat kami iniisip ang sinabi ni Miss Marites kanina. We can be the prey waiting for our predator, yes, that's already happening. Pero paano kami magiging isang predator? Di hamak na estudyante lamang kami at walang laban sa mga guro.

Ang mga maloko kong kaklaseng lalaki ay biglang seryoso na ngayon, hindi ko alam kung natatakot sila o ayaw makialam sa mga nangyayari.

Ang iba naman ay tahimik na umiiyak. Siguradong takot ang nararamdaman nila.

Ako? Hindi ko alam.

Napatingin kaming lahat kay Jeff na biglang tumayo. Naglalakad sya papuntang kwarto ng mga lalaki.

"Magpahinga na muna tayong lahat." Pagkatapos sabihin ay walang lingunan syang pumanhik sa kwarto.

Nagtinginan muna kaming lahat bago tumayo at sinunod nalang ang sinabi ni Jeffrey. Tama sya, wala kaming tulog at pahinga simula kagabi. At ngayon, iisipin na naman namin kung ano ang gagawin nila kay Adrian.

"Pucha, paano nyo naiisip na magpahinga habang yung kaibigan ko, hindi natin alam kung ano ang ginagawa sa kanya!" Tumingin kaming lahat dahil sa pag-sigaw ni Joemarie.

Naiintindihan namin sya. Pero kailangan muna naming lahat na ipahinga ang isip dahil sa sunod sunod na nangyayari.

"Pre, naiintindihan ka namin. Kailangan mo din ng pahinga, alam namin napapapagod ka na rin sa kakaisip." Malumanay na paliwanag sa kanya ni Palencia, si Michael Angelo.

"Pre, mga kaibigan natin yun e." Naiiyak ng sabi ni Joemarie pero sa huli ay sumunod din at pumasok na sa kwarto nila.

Natapos ang gabi na wala ni isa sa amin ang nagsalita tungkol sa nangyayari sa klase namin, katulad kahapon, nag-antay kami ng aming guro para sa klase.

Lahat kami ay nakaalalay lang kay Joemarie, nawalan sya ng dalawang kaibigan. Hindi namin alam kung makakabalik pa ang isa.
Laging syang sinasamahan ni Bea dahil sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa sarili sa sobrang pag-iisip.

Biyernes na ngayon kaya huling araw na ng pasok namin sa linggong ito, wala kaming gagawin bukas dahil wala pa naman kaming activities na binibigay.

Sa mga klase namin sa pang-umaga, si Miss Neah at Miss Marites lamang ang pumasok. Wala si Miss Liza. Hindi naman namin binalak na magtanong dahil baka may masama na namang mangyari.

Noong lunch break na namin, nakahanda na ang mga pagkain namin sa Cafeteria. Tahimik pa din ang buong klase, walang nagbibiruan at walang nagbubukas ng usapin tungkol kay Adrian.

3rd Person's POV

Oras na ng kanilang klase kay Sir Daniel. Nang pumasok ito sa Main Hall ay labis ang ngiti nito sa kanyang labi.

"Wala bang magtatanong kung patay na si Adrian?" Imbis na bumati ay ito ang mga salitang ibinungad nya sa Sampaguita.

Napayuko ang lahat maliban kay Joemarie na nagtaas ng kamay.

"Oh, Mr. Ibba, buhay pa yung isa mong bestfriend. Wag ka mag-alala." Then, Mr. Daniel chuckled.

Hindi alam ng klase kung paniniwalaan ba nila ang sinabi ng guro. Walang Adrian na bumalik sa barko, pero wala rin silang nakitang Adrian na itinapon sa dagat.

THE BOAT IS SINKINGWhere stories live. Discover now