3rd Person's POV
"You know what, Sampaguita? Sa lahat ng Special Class ay kayo ang pinakamalala. Nabigyan na kayo ng punishment sa magiging makalat, pero ganun pa din. Walang pinagbago. You are the worst Special Class, ever." Sir Daniel was mad at them.
"As if hindi natin alam yon." Bulong ng isang estudyante.
Narito na naman kasi sila sa sitwasyon na ito, sinisermunan ng lahat ng kanilang guro. Hindi nila makuha ang mga ito, parang wala lang sa kanila ang pagpatay sa mga kaklase nila. Parang hindi sila kumuha ng buhay.
Wala na si Moses, Joemarie, Adrian at Kyleen.
And they don't know why are they still studying. Knowing that their four classmates cannot graduate with them anymore.
"Sampaguita! Bakit ganto tong mga portfolios nyo? Gawa ba ng isang studyanteng nasa sc ang gawang ganito?" Miss Rose was mad while shouting.
Sampaguita just shook their heads. It doesn't bother them anymore, sanay na sanay na sila. Ginagawa naman nila ang lahat ng makakaya nila as much as they can, nagsabay sabay lang talaga dahil malapit na naman ang 2nd Periodical Examination nila.
Sa mga nakalipas na buwan, nag-usap usap sila tungkol sa mga nangyayari. Napagdesisyunan nila na mag-ingat ng sobra para hindi sila magkasugat. Para kahit katiting na dugo ay walang mapansin ang mga guro sa kanila.
At sa mga buwan na iyon, tila nawawala na naman sa sarili ang mga teachers nila. Wala na silang naririnig na pananakot mula sa kanila, puro sermon tungkol sa acads at kalinisan sa room.
Ngayong araw, nag-bake si Jerlhynne ng cake para sa guro nilang si Miss Marites. Ito lang ang kakampi nila, ito ang nagpaintindi ng lahat sa kanila. Sya lang ang may tiwala sa kanila. Sya ang tanging naniniwala na may kakayahan sila.
"Hoy! Malapit na si Ma'am!" sigaw ng buong Butchukoy, tropa nila Sean. Tanaw nila ang guro mula sa front deck ng barko na naglalakad patungo sa barko.
Nilagay na ni Jerlhynne ang cake sa lamesa at nilagyan pa ito ng pahabol sa icing. Naglapitan naman ang iba at kumuha ng icing sabay pahid sa kanya-kanyang mukha. Nagkagulo ang lahat dahil sa tuwa, hindi nila napansin si Miss Marites na nakatayo na sa bungad ng main hall. Nakatingin ito sa kanila habang sila, naglalaro ng icing.
"Ano yan?" Medyo mahina na sabi ng guro pero narinig ito ng Sampaguita dahil may diin sa boses nito.
"Ma'am—" Hindi na natuloy ni Sam ang sasabihin dahil biglang kinalampag ni Miss Marites ang lamesa nang makalapit sya doon.
"Alam nyong ayaw ko sa lahat na pinaglalaruan ang pagkain." Galit nitong sabi. "Sampaguita ano ba? Wag nyong gawin sa klase ko yung ganito."
Napayuko ang lahat, ang iba ay inubos pa ng palihim ang icing na nasa daliri.
"Pwede nyong gawin yan sa ibang guro dahil yan ang napag-usapan natin, pero sobra naman. At sa mismong klase ko pa." Miss Marites glared at them. "Do you still remember the things I've told you last month?"
Tumango ang lahat at inalala ang mga sinabi ng guro sa kanila matapos ang isang linggo na hindi nakabalik ang huling kaklaseng kinuha, si Joemarie.
A month ago.
"Sampaguita. Remember, If you have this," turo nito sa sentido, "this," turo naman nito sa mukha, "but you dont have this?" turo nito sa puso habang umiiling, "think about it. But if you have this, this, and this?" tinuro nito ang lahat. "Own it."
Tumingin sya sa mga estudyantent nanlulumo dahil sa mga pangyayari. "Lahat kayo rito magaganda at gwapo. Naniniwala rin ako na lahat kayo rito ay matatalino. Pero hindi lahat sa inyo ay may pakialam sa bawat isa." Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita, "Apat na sa kaklase nyo ang nawala, pero bakit walang may balak kumilos sa inyo?"
YOU ARE READING
THE BOAT IS SINKING
Mystery / ThrillerFifty Students were accepted to be part of the Special Class. At first, they thought that they're very lucky to be part of that Class, but then secrets were revealed. Secrets that shattered them into pieces. Who would've thought that an innocent st...