3rd Person's POV
"Magandang hapon, Sampaguita."
Tumayo ang lahat at bumati pabalik kay Miss Mayeth.
"Maglabas ng isang buong papel." Agad nitong utos habang nagsusulat ng kung ano sa white board.
Tumayo si Ira Nadine at kinuha ang lahat ng activity paper nila sa likod, inipon nila ito kanina.
Masyadong abala ang guro sa sinusulat nito sa harapan, hindi nya alam na tahimik na kumikilos ang mga estudyante sa kanyang likuran.
"Where's the chain, stupid?" Tanong ni Jerlhynne kay Brian na halatang kabado.
"Putek, nandito teka." Nanginginig ang kamay ni Brian habang hinahalungkat ang bag nya, talagang kabadong kabado.
"Ano ba yan Platil! Lilingon na yun, oh!"
"Teka, Jerl. Yawa na."
Para silang mga ewan na nagbubulungan, habang ang iba ay nakabantay sa guro na nananatiling nagsusulat sa white board at hindi man lang lumilingon sa kanila.
"M-miss, ano pong gagawin sa papel?" Tanong ni Alyza.
They looked at her, bakit ito nagsalita? Pagkatapos ay unti unting nalipat ang tingin nila kay Miss Mayeth, hindi pa rin ito lumingon, pero tumigil sa pagsusulat.
Nang makitang lilingon na ang guro, agad na bumalik sila sa kanya-kanyang gawain. Ang kadena ay itinago ni Brian sa kanyang hita, takot na mapansin ito ng guro kaya yumukod sya sa kanyang desk.
Kinuha nila ang kadena sa stock room kanina, hindi nila alam kung bakit may ganoon sa stock room pero nagpasalamat na lang sila dahil napapadali ang trabaho nila.
"Hindi ba halata na kailangan nyong kopyahin ang sinusulat ko sa pisara? Kaya nga pinakuha ko kayo ng papel para doon magsulat. Ano ba?" Inis na sagot ng guro sa tanong ni Alyza. Pakiramdam ng guro ay walang common sense ang mga estudyanteng ito. "Ano bang ginagawa nyo, ha?" Sabay sulyap nito kay Brian na tila nanlalamig sa sariling pawis.
"Hinanap ko po yung nag iisa kong one whole sa bag, Miss." Deretsong sabi ni Brian kahit na hindi naman binanggit ng guro na sya ang tinatanong nito.
"May papel ka na ngayon?" Nakataas na kilay na tanong ni Miss Mayeth.
"Nakita ko lang sa likod Ma'am." Sagot nya. Nakakita sya nang isang pad ng papel sa likod noong isang araw at inangkin na ito dahil wala namang pangalan, makapal pa ang mukha nito na mamigay sa klase.
Kinabahan si Brian nang makitang nalipat ang tingin ni Miss Mayeth sa kanyang mga hita na nakaupong pang-babae, "Kailan mo balak umamin, Mr. Platil?" Nakangisi na ito ngayon.
Brian felt his body stiffened. Alam ba ni Miss Mayeth na may gamit syang tinatago sa mga hita nya? Yawa talaga.
"A-amin ng ano...Miss?" Utal na tanong ni Brian habang unti unting niyuyuko ang ulo.
"Na medyo tagilid ka." Tumawa ang guro at bumalik sa pagsusulat sa pisara.
"Ayan ha, silahis ka pala e." Agad na bulong sa kanya ni Sean, nang-aasar.
"Bobo, tinatago ko kasi 'tong kadena. Tagilid raw e, putek na yan." Nilingon ni Brian ang guro, pagkakitang busy ito sa pagsusulat, tahimik nyang kinuha nya ang kadena at ipinasa ito kay Jerlhynne na nasa harap nya lang.
YOU ARE READING
THE BOAT IS SINKING
Mystery / ThrillerFifty Students were accepted to be part of the Special Class. At first, they thought that they're very lucky to be part of that Class, but then secrets were revealed. Secrets that shattered them into pieces. Who would've thought that an innocent st...