3rd Person's POV
"Miss!"
Malakas na sigaw ni Bea nang makitang lumapit si Miss Marites kay Wymvee, nakaaangat ang dalawang kamay na para bang mapipigilan nya si Wymvee sa ganoong ipinapakita.
"Wymvee, please, pakibaba mo ang hawak mo." Pakiusap ng guro habang unti unting lumalapit pa rin sa estudyante.
But Wymvee doesn't care, she pointed the knife to Miss Marites, with a smile on her face. Tila natutuwa sya sa nakikitang kaba sa guro at kaklase.
"Are you scared, Miss? Hindi ba't halimaw ka rin?" Mapaklang sabi ni Wymvee.
"Alam mong hindi ko kayo kayang saktan," Kalmadong sagot sa kanya ni Miss Marites.
"Really? Kaya pala nagpaplano na kayo ni Miss Emily kung paano nyo ko papatayin? Wag ako, Miss."
Bahagyang tumigil si Miss Marites sa paglapit kay Wymvee, nagulat sya dahil alam nito ang pagpa-plano, "Pakibaba mo muna ang kutsilyo mo, mag-uusap tayo."
Pero hindi nakinig si Wymvee, nanatili ang maliit nyang ngiti sa labi at mga matang nakatitig kay Miss Marites. Itinutok pa nito ang dulo ng kutsilyo sa guro, "Come here, Miss. You want to save Bea, right?"
"Wymvee, stop this!" Sigaw ni Bea. Natatakot siyang lumaban, hindi dahil sa hindi nya kaya, pero dahil may patalim ang kaklase.
Nalipat ang tingin sa kanya ni Wymvee, "Stop? Eh 'yang bunganga mo nga, hindi tumigil sa pagdaldal!" Bigla ay galit na ang makikita sa mukha nito, at dahil kay Bea sya nakatingin, sinamantala ni Miss Marites ang pagkakataon para agawin ang kutsilyong hawak ni Wymvee.
Nahawakan ito ng guro, pero hindi ito binitawan ni Wymvee, nakipag-agawan rin ito. Habang si Bea ay nakatingin sa kanila, tahimik na hinihiling na sana ay makuha ni Miss Marites ang kutsilyo.
"Tigilan mo na 'to Wymvee, maaayos natin 'to." Muling pakiusap ni Miss Marites, habang inaagaw pa rin ang patalim mula sa kanya.
"Paano aayusin, Miss? Papatayin nyo ko? Hindi, Miss. Kayo, kayo ang papatayin ko."
At muling nag-agawan ang dalawa, di hamak na mas malakas si Wymvee dahil mas bata sya kay Miss Marites, pero patuloy na inilalaban ng guro ang hawak sa kutsilyo.
Hindi pwedeng may masaktan na isa rito sa amin. That's the only thing that Miss Marites is thinking in their situation. No one should be hurt.
"A-Ah,"
"Oh my god,"
Napatakip si Bea ng kanyang bibig. Her eyes widened when she saw blood in between Miss Marites and Wymvee. Magkaharap ang dalawa, magkadikit ang mga ito at hindi nya matukoy kung kaninong dugo ang nakikita nya.
Hindi nya alam kung sinong nasaksak, hindi nya alam kung sinong nasugatan. Kaya't kahit natatakot ay naglakas loob siyang lumapit sa dalawa, parehas na ang mga ito na bumabagsak, magkaharap pa rin at parehas na hawak ang kutsilyo.
She immediately went to Miss Marites, she kneeled down so that she can see who's the wounded one, "Miss—"
"Ahhhhh!"
Bea's eyes landed on Wymvee. She's screaming, she's holding the knife. And it means only one thing, the blood is from Miss Marites.
"M-miss...." Nakahiga na si Miss Marites sa mga hita nya, takip takip ang sugat sa tyan. Hindi alam ni Bea kung bakit patuloy na sumisigaw si Wymvee, gayong hindi sya ang nasugatan, hindi sya ang nasaktan, sya ang nanakit.
"Miss," Bea keeps on calling the teacher, she's out of words to say. Alam nyang sa mga sandaling ito, parating na ang ibang guro.
Galit nyang tiningnan si Wymvee na nakasandal sa pader, mas lalo syang nagalit nang makitang umiiyak na ito na nakatingin sa kanila.
YOU ARE READING
THE BOAT IS SINKING
Mystery / ThrillerFifty Students were accepted to be part of the Special Class. At first, they thought that they're very lucky to be part of that Class, but then secrets were revealed. Secrets that shattered them into pieces. Who would've thought that an innocent st...