SEVENTEEN

42 1 0
                                    

3rd Person's POV

"Hindi ba kami invited?"

"Miss Mayeth..." Lois uttered.

"What the hell is going on? Are you back for good?"

Sir Daniel smiled because of what Miss Aurora said. Sa isip nito, talagang naniwala ang chairman na mayroon silang importanteng ginawa kaya nawala sila ng ilang buwan.

"Yes, Miss. For good."

Everyone became silent. Hindi nila maisip kung paanong nakawala ang dalawang guro mula sa pagkaka-kadena ng mga ito sa kaniya-kaniyang kwarto. Nakasuot pa ang dalawa ng kanilang uniporme bilang guro.

"What are we gonna do, Sam?" Benido asked Samantha carefully. Hindi siya tumingin kay Sam, deretso lang ang tingin nito sa dalawang guro na naglalakad na ngayon paakyat ng stage.

"Proceed with the plan." Sam simply said. Pagkatapos ay tumingin sya kay Jerlhynne, "Ready na ba?" tanong nito.

Tumango si Jerlhynne, "Just waiting for the cue." Inangat nito ng kaunti ang hawak nyang switch.

"Good Day, Sampaguita."

Lahat ay napatingin sa stage, lahat ay tumutok sa sasabihin ng kanilang adviser. Some of them felt nervous, frightened, but some are determined to do what they've planned.

This is their last chance—no, this is their only chance to capture all of the teachers who's killing each one of them whenever there's a chance. And this time, pagkakataon nila ito, at wala silang balak sayangin iyon kahit na may kaba at takot na unti unting umuubos ng tapang na mayroon sila.

"Miss Mayeth and I were gone for few months, nagawa nyo ba ang pinapagawa naming tasks?" umikot ang mata ni Sir Daniel sa bawat isa, tila pinagmamasdan ang bawat reaksyon sa mukha nila. "Napakatagal naming nawala, hindi nyo ba kami na-miss?" mahina itong tumawa.

But as planned, Sampaguita's face remained calm. Oo, hindi nila inaasahan ang pagdating ng guro, ni hindi nila naisip kung paanong nakatakas ang mga ito sa 'kulungan' nila. As much as they wanted to confront their adviser, they choose to shut their mouths up.

"Gusto nyo bang i-share namin sa inyo ang ginawa namin sa loob ng ilang buwang pagkawala?" 

"Pinaglalaruan ba tayo ni Sir Daniel?" Mahinang bulong ni RJim kay Benido.

"Ewan." Sagot ni Benido, ang isip nya ang naka focus sa inihanda nilang plano, at wala syang balak na masira iyon dahil sa dalawang guro na dumating. 

"Are we gonna die?" Tanong ni Aila kay Felicity.

"Edi mamatay. Dun din naman tayo hahantong." Pabalang na sagot nito.

"Can I borrow some time, Miss?" Tanong ni Sir Daniel kay Miss Aurora. 

"Take the time all you want."

Sir Daniel nodded. Pagkatapos ay muling humarap sa Sampaguita, may ngiti sa labi. "Alam ko na lahat kayo ay nagtataka kung bakit nandito kami ni Miss Mayeth sa harap nyo, sa recognition nyo. Remember that you started this game, Sampaguita, and here we are, we survived the game you gave to us." 

Nagkaroon ng pagtataka sa mukha ng mga gurong nakaupo sa stage, wala silang ideya sa sinasabi ng lalaking guro pero nanatili silang tahimik para makinig kahit na maraming tanong ang bumubuo sa kanilang isip.

Sir Daniel continued, "Being locked up inside a room for months is not a joke, so it's not funny-"

"So is killing each one of us for your satisfaction, Sir." Benido intervened. 

THE BOAT IS SINKINGWhere stories live. Discover now