3rd Person's POV
"Everyone, please stand and have some greetings for your teachers this school year." Miss Aurora smiled.
"Pilit na pilit yung ngiti ah." Bulong ni Pam kay Mika.
"Ganun talaga pag 'di bukal sa loob," Bulong pabalik ni Mika.
It's been 2 months after their recognition. Ngayong araw ay ang araw na magsisimula na naman ang klase nila, bilang Grade 8 students. Ngayon din sasabihin sa kanila kung ano ang bago nilang section.
Today is the first day of another school year, another challenges, another set of teachers to tame and to be with. Ang mga bagong guro ay heto, nakatayo sa harap, naka-helera at nakatingin sa kanilang lahat.
"Good morning, teachers." Pagbati ng Prophets. Pinilit nilang siglahan ang boses at ipakitang natutuwa sila sa mga bagong dating na guro. Kasama ito sa plano, ang paniwalain ang mga gurong ito na wala silang alam tungkol sa kahit na ano.
"I'm Miss Arlyn. Your adviser, as well as English teacher."
"Mukhang mabait 'to pre," Brian said to Wyngard.
"Tanga, manahimik ka jan, patayin ka nyan." Dahil sa sinabi ni Wyngard ay nanahimik na lang si Brian, kinabahan na naman.
"Sir Marcial, magiging teacher nyo ako sa A.P."
"Delikado 'to," Sabi ni Renz kay Benido.
Nagtataka ang kaibigan nyang nilingon sya, "Huh?" Tanong ni Benido.
"Lalaki e."
Napa-iling nalang si Benido. Akala nya ay may kung anong alam na si Renz tungkol doon sa Sir Marcial. Kinabahan lang pala dahil lalaki at mukhang ito ang papalit sa pwesto ni Sir Daniel.
"Good morning, I'm Miss Esperanza, or just Miss Espi. Whichever you prefer, students." Ngumiti ito, halata ang lambot sa kanyang mukha.
"Pustahan, Values 'to." Sabi ni Sean kay James.
At dahil si Sean iyon, narinig ito ni Miss Esperanza kahit na anong subok nitong bumulong lang kay James.
Ngumiti muli ang guro bago nagsalita, "I'm going to be your Mathematics teacher, Mister." Ang boses ng guro ay napakalambot.
"Ang lamig ng boses ni Miss, mukhang may subject na 'kong tutulugan." Cescel said to Grace.
"Gaga ka talaga," Sagot lang ni Grace sa kanya.
"Miss Roselyn, your Science teacher."
"Terror 'to, sure ako." Aila whispered to Nicole and Feli.
"Judger," Sagot ni Feli.
"Good morning everyone!"
Mukhang nagising ang lahat sa masiglang bati ng gurong babae. Agad silang dumiretso ng tayo lahat at napatingin sa gurong bumati nang bigay na bigay.
"Taena, ang energetic." Andrew to Brian.
"I'm Miss Nimfa, your TLE teacher." Napakalaki ng ngiti nito sa mukha, mukhang masayang masaya sa buhay at walang problema, mukhang hindi kayang magalit at punong puno ng positive vibes.
"Hello. I'm Miss Mary Grace, Miss Grace or Miss Mary, bahala kayo kung anong mas gusto nyong itawag sa akin. I'll be your Values teacher." Miss Mary smiled at them.
"Best Morning!"
Natahimik ang lahat, nanibago sa ginawang pagbati ng teacher. Ngayon lang nila narinig ang pagbati na iyon, kaya lahat sila ay napatitig sa guro na bumati ng ganon.
YOU ARE READING
THE BOAT IS SINKING
Mystery / ThrillerFifty Students were accepted to be part of the Special Class. At first, they thought that they're very lucky to be part of that Class, but then secrets were revealed. Secrets that shattered them into pieces. Who would've thought that an innocent st...