Do not grieve, for the joy of the Lord is your strength.
Nehemiah 8:10~~~~~~~~~~~~~~~~
Y U N A
Bakit sa lalaking to ganto nalang yung lakas.
Lakas ng karisma at liwanag na taglay nito.
Diko parin magawang alisin ang paningin ko sakanya.
Ok lang naman tumingin diba? Naka shades naman ako, hindi nila malalaman kung kanino ako naka tingin hehehehe, I'm safe pero hindi ako pamilyar sa lalaking to hindi ko kasi siya nakikita sa Edmonton Academy.
Gwapo niya para maging isang Driver.
Well magandang lahi naman kasi ang mga amo na pinasukan niya dapat lang talaga malakas din dating ng Driver.
SANA ALL.
Mabuti nalang at hindi magulo katabi itong si Aiden ngayon pero napaka bigat naman ng kanyang ulo. Hamak mo imbis ako yung naka patong sa balikat niya eh siya patong naka patong sakin hayst. Iba na talaga ang panahon ngayon nakakainis.
Saglit lang ang biyahe namin patungong school at ang tour na ginawa nila sakin ang mas nakakapagod napaka laki pala talaga ng Edmonton Academy. Kalahati palang ng School ang nagawa nilang itour sakin dahil ng may na received na text message si Cal ay nag aya na siyang pumunta sa pupuntahan niya. Smell fishy sila nung gwapong driver dahil nakita ko itong nag type sa kaniyang phone at pag kababa niya nito ay tumunog ang phone ni Cal.
"Hmmmmmmm." wala sa sarili napalakas kong tinig habang nag iisip kaya naman napalingon sakin si Cal.
"What's wrong Yuna?" tanong nito.
"Hmmm wala naman, nag-iisip isip lang." tugon ko.
"Medyo malayo rin kasi ang iba-byahe natin." sabi nito sa akin "Pero matulog kana muna alam ko namang na pagod ka sa tour natin." dagdag niya pa at ngumiti sa akin.
"Ayos lang, mag pahinga kana din." sagot ko rito at bumalik na ang tingin ni Cal sa daan.
Malapit kasi sa Driver Seat si Cal at ang inuupuan naman namin ni Aiden ang sunod rito habang si Lia naman ay asa dulo at busy sa kaniyang pinakikinggan na music.
Nang ituon ko ang aking paningin sa labas ay hindi ko magawang alisin ang pag titig sa mga ito. Napaka ganda ng lugar at parang yung scenery lang nung nag confess ako kay Justine. Ang panget na memories naman ang meron ako sa ganda ng scenery na yun nasayang lang tuloy.
Sayang laway Yuna.
Sayang lakas ng loob.
Sayang yung effort.
Yung akala mo mutual na ang feelings niyo sa isa't isa pero hanggang akala mo nalang pala talaga yun. Ang sakit na sampal ng katotohanan naman oh. Hayst.
"Yuna kakain na tayo." rinig kong pag gising sa akin ni Cal "Mukhang napasarap ang tulog mo." bulong pa nito.
"So anong trip mo Aiden?" tanong ni Lia "Bakit naisipan mong sumama?" may halong pang aasar na sabi nito kay Aiden.
YOU ARE READING
Things We Never Had
Teen FictionON GOING Highest Rank Achieved #19 in Random Thoughts Highest Rank Achieved #4 in Romance Teen Fiction (Jan 20, 2022) Highest Rank Achieved #290 in Reality (Sept 23, 2020) Yuna is a simple girl who knows nothing about being accepted and being loved...