TWNH 3

98 23 27
                                    


Better is a poor man who walks in his integrity than a rich man who is crooked in his ways.
Proverbs 28:6 (ESV)

~~~~~~~~~~~~~~~~

Y U N A 

Nagulat ako ng biglang pumasok ang apat na gwapong nilalang sa loob ng kwarto ko at hindi ako natutuwa sa ginawa nilang itooooooo!.

"Hooy PANGET! wag ka ngang mag inarte jan!" gulat ako ng lakas loob na lumapit ang Aiden na iyon sa akin.

Halata naman sa mga mukha nilang apat na nag tatapang tapangan lang sila lalo natong lalake na asa harapan ko ngayon.

"Anong sabi mo?" teka nga anong sabi niya?

Hindi ko na intindihan sa tinitignan ko ang mga itsura nila, Mga reaction ba sa pag pasok bigla sa kwarto ko.

"Oo tama ka ng pagkakarinig!" sigaw pa niya. Hindi ko nga na rinig eh. "Hoy ikaw PANGET! kala mo natutuwa kaming pakisamahan ka ha!" sigaw niya nanaman muli.

Pero teka nga anong sabi niya?

Ako PANGET?

Sabi ko nga.

Alam ko naman yun.

Wala namang bago sa mukha ko.

Pero bakit kailangan ipagdiinan pa.

Hayst.

Hindi ko nalang sinagot ang Aiden na to, nakaka walang gana maki pag usap sa taong magagandang nilalang.

"Napipilitan lang kami na pakisamahan ka para lang hindi kami mag bayad ng renta!" sigaw pa muli nitong ni Aiden.

Bakit kailangan bang sigawan ako?

Ang lapit lapit niya lang naman sakin, hindi naman ako binge.

"Renta?" pag uulit ko.

"Oo, so ayun na nga kaya tumayo kana jan para mag luto gutom na gutom na kami!" sigaw pa niyang muli.

Renta? So nag babayad pala sila kay Auntie habang dito sila naka tuloy.

Hindi ko na lamang sila pinansin at bumalik nalang ang paningin ko sa panonood ng Wrong Turn.

"At nag lakas loob kaming pumasok dito sa kwarto mo na nakaka takoooot!" sigaw pa niyang muli.

"Kwartong nakakatakot?" sabay sabay nilang bigkas.

"Mga Mannequin." salita ni Christian.

"Mga Bungo." sabi naman ni Maddox.

"Mga Nakaka diring Cd's." saad naman ni Jacob.

"At ang pinapanood niya ay pumapatay ng tao!" pasigaw naman na sabi nitong ni Aiden tsk.

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sabay sabay nilang apat na sigaw at nag kukumahog na umalis sa kwarto ko.

Things We Never HadWhere stories live. Discover now