TWNH 13

46 18 15
                                    


Give thanks to the LORD for He is good: His love endures forever.
Psalm 107:1

~~~~~~~~~~~~~~~

Y U N A

"Pst Yuna."

"Pst Lia."

"Bakit Cal?"

"Wala kayong prof?"

"Wala bakit?"

"Tara labas tayo, kalabitin mo nga yang si Yuna."

"Yuna." nilingon ko si Lia "Labas tayo." sabi nito at tinuro si Cal na asa labas.

"Saglit malapit nako matapos." tumango lang siya sa sinabi ko.

"Saglit lang." sabi ni Lia kay Cal.

Pag tapos kong gawin ang essay sa Philippine Politics and Governance naming subject ay agad kong tinabi ito sa aking bag, mahirap na baka may kumuha pag iniwan sa table. Tumayo na ako agad ganun din si Lia at nag tungo na kami palabas ng building.

"Bat antagal mo sa essay?" tanong ni Cal.

"Ginalingan niya eh." sagot ni Lia sakanya.

"HAHAHAHA." sabay nilang tawa.

"Kailangan yun, aba Grades kaya yon." sabi ko sa dalawa.

"Oo nga naman, ikaw talaga Lia." sabay hampas ni Cal sa braso kay Lia.

"Aray naman hahahaha, Okay sorry akin." sabi nito ngunit na tatawa pa din.

"Sipag talaga ng ating Yuna." pang aasar ni Cal.

"San tayo pupunta?" tanong ko kay Cal pag iiba ng usapan.

"Sa garden." sabi nito.

"Hindi ba tayo pagagalitan ng mga prof pag nakita tayo?" tanong ni Lia kay Cal.

"Hmm hindi naman, wala naman kasi tayong prof eh." sagot nito.

"Wala naman tayong ginagawang masama." sagot ko.

"Mag cutting class kaya tayo?" sabi ni Lia.

"Hindi pwede." parehas naming sagot ni Cal.

"Biro lang naman." sabi ni Lia "Seryoso niyo naman."

"Hindi naman sa ganon." sagot ko rito.

"Hindi ko pa ginawa yun kahit kailan eh." sabi naman ni Cal "Tyaka kung lalabas ako ng classroom pag walang prof tinatapos ko muna yung iniwan nilang gagawin." dagdag pa ni Cal.

Things We Never HadWhere stories live. Discover now