TWNH 14

51 18 14
                                    


The LORD is my light and my salvation; whom shall I fear? The LORD is the stronghold of my life; of whom shall I be afraid? 
Psalm 27:12

~~~~~~~~~~~~~~~

L I A

Two days nalang at acquaintance party na I can't totally wait. "Ouch!" sabay hawak ko sa aking ulo. Batuhin kaba naman sa ulo ng unan hayst.

"Opxx sorry, I didn't mean it." sabay peace sign sakin ni Lily, aga aga na naman nito mang bwesit "Why are you smiling? Na hihibang kana ba Te?" dagdag pa nito, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mo bang makasama sa mansion mamaya?" mayabang kong sabi sakaniya.

"Oo naman Te! Aba hinihintay ko kaya ya—"

"Then be good to me." pag puputol ko sa sinabi niya "Baka hindi na kita maisipang isama dahil diyan sa ginawa mo eh." sabi ko rito.

"Duh edi wag, andamot mo naman talaga eh." sagot pa nito sakin, kahit kailan talaga ang attitude nitong batang 'to, pag may kailangan napaka galing mag bait baitan tsk..

"Sige bahala ka sa buhay mo, mag matigas ka maganda yan." sabi ko rito at agad na dumiretsyo sa Cr.

Mga tao ngayon magaling lang pag may kailangan.

Agad akong nag madali dahil ihahatid ko pa ng maaga itong kapatid ko pero mukhang nagpapabagal pa sa Cr.

"Hoy! babaita! Bilisan mo kumilos! Wag pa importante mahuhuli kana at pati ako." Sigaw ko rito sa tapat ng Cr, abay hindi pa na sagot ang batang iyon "Hoy! Bilisan mo na at anong oras na!" kinalabog ko ang pintuan ngunit di siya na sagot.

Kung tawagin ko kaya si Daddy ng mabuksan ang pinto at malilintikan 'to panigurado sa pinag gagagawa sa loob "Dadd—".

"Oh! Tara na te baba na tayo!" masaya niyang sabi at dali dali akong hinila palabas ng kwarto.

"Bitawan mo nga ako ang bagal mo." gigil kong inalis ang kamay ko sa pag kakahawak niya dahil di na naman nakikinig to.

"Andito na yung baon niyo! Paki daanan bago lumabas ng bahay!" Sigaw ni Mommy habang siya ay nasa kusina.

"Thank you Mom." sabay kiss at mano ni Lily kay Mom at dali dali lumabas ng bahay. Anong na kain nung batang yon?.

"Here." abot ni Mommy ang baon ko, kaya inilagay ko ito agad sa bag "Take care of yourself, Okay?".

"Yes Mom, I will." Kiss ko sa cheeks niya at dali dali akong lumabas dahil yung batang yon talaga.

"Lily STOP!" Sigaw ko rito para hintayin akong makalapit sakaniya.

"Te! Here!" sagot niya ng huminto at tumawid sa kabilang kalsada.

"Hoy! Ikaw talaga pasaway ka!" Sigaw ko rito at agad na tumakbo papuntang pedestrian line.

Things We Never HadWhere stories live. Discover now