I'm always going for truth and honesty.
Jill Soloway~~~~~~~~~~~~~~~~
Y U N A
Napa kapit nalang ang kaliwa kong kamay sa mga makisig niyang muscle uggghh.
Habang ang kanan kong kamay ay takip takip ang ilong ko, buti nalang at lagi akong may dalawang panyo sa bulsa ko.
"Yuna ayos kalang ba?" may gulat at pag aalala sa tono ng boses niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Ok naman ako, pero dahil sa ginawa niya mas lalong hindi ako naging Ok.
"Sumagot ka?" parehas lang kaming naka tayo sa harapan.
Pinipilit kong may sabihin dahil ang ingay narin sa buong room namin at ang daming bulong bulungan na nagaganap aiiish.
"Maupo kana muna siguro Morgan." gulat at pasalamat ko nalang din na lumapit itong si Amelia.
Napatingin lang si Aiden sakanya.
"Saan ba siya naka upo? Ako na ang mag hahatid sakanya." sabi kaagad ni Aiden kaya itinuro ni Amelia kung saan ako naka pwesto.
"Halaaaa sorry talaga Aiden." maiiyak na sabi ni Jade at nung grupo niya tsk.
Nilapitan lang ni Aiden si Jade at may ibinulong pag katapos non ay umalis na siya, pero wala akong panahon para tapunan pa ng tingin si Jade.
Napaka kulang niya sa pansin siguro pati sa aruga.
Mabuti nalang at nag pakilala lang ulit kami isa isa, pati na rin lahat ng prof namin ay ganun ang ginawa at walang ibang na ganap at discussion, tanging mga requirements lang ang ibini-bigay nila sa amin.
Sa buong oras na ginugol namin sa loob ng classrom, si Amelia lang ang kuma-kausap sa akin at siya lang din naman ang mukhang matino sa mga classmate kong ito, pero sabi nga niya ay Lia nalang ang itawag ko sakanya, kaya naman napag kasunduan nalang din namin na sabay na kaming papasok sa school at uuwi.
Nag aayos na ako ng gamit nang mapansin na asa likod ko ang limang magagandang nilalang kaya naman napa atras ako bahagya.
"Ayos ka naman ba Yuna?" pag tatanong nilang apat.
"Tara na Morgan?" biglang tawag ni Lia saken.
Hindi ko pa pala napapakilala sakanila si Lia.
"Teka nga, sino si Morgan?" pag lilinaw naman ni Cal sakanilang apat.
"Hindi rin namin alam." sabay nilang apat na sagot.
"Pero mukhang pangalan ni Yuna yon." saad naman ni Aiden. Tumingin kaming lahat sakanya pero gulat ko ng sakin siya naka tingin.
"Oo nga pala Aiden bakit alam mo?" takhang tanong ni Jacob.
"Eh kasi mukha namang siya lang ang tinatawag nung babae e." pag sasabi pa nito at sabay nag iwas ng tingin at nag kamot sa ulo.
"Kayo ba kilala pa natin yung babae na yan?" pag tatanong ni Aiden sakanila.
Kaya imbis na sumagot pa sila ay sumigaw na ako para tawagin si Lia.
YOU ARE READING
Things We Never Had
Teen FictionON GOING Highest Rank Achieved #19 in Random Thoughts Highest Rank Achieved #4 in Romance Teen Fiction (Jan 20, 2022) Highest Rank Achieved #290 in Reality (Sept 23, 2020) Yuna is a simple girl who knows nothing about being accepted and being loved...