TWNH 11

54 18 26
                                    


Greater love has no one than this: to lay down one's life for one's friends.
John 15:13

~~~~~~~~~~~~~~~

Y U N A

Matapos ang byahe papuntang Church ay agad kaming pumasok sa loob ni Kie. Na ninibago ako pero parehas lang naman nung sa Pyungkang ako umaattend. Merong asher na sasalubong sayo pag pasok. Hindi pa naman kami late ni Kie at mukhang maaga maaga pa nga kami nakarating.

"Yunaaaaaaa." tawag sakin ni Cal at patakbong pumunta sa direction ko.

"Uy." nahihiya ako dahil first time ko lang umattend dito sa kanilang Church "Nahihiya ako." bulong ko sakanya.

"Wag kang mahiya." hampas nito sa braso ko "Tara dun kami naka upo." turo niya sa pangalawang row sa harapan. Nag lakad na rin kami papunta dun at na upo.

"Let's go Cal." sabi bigla ni Kie "Tinatawag na nila tayo." first time ko lang marinig na nag tagalog si Kie since kahapon puro siya english "Dito ka muna Yuna." sabay tingin sakin ni Kie.

"Sige sige punta na kayo dun." sagot ko rito.

"Babalik din kami agad Yuna." masayang sabi ni Cal. Halata sa mukha nito ang saya. Bakit kaya? Dahil ba sumama ako?

Inikot ko ang tingin sa kanilang church, katulad lang sa Pyungkang pero medyo maliit ito ngunit simple. Wala silang spot lights di tulad sa Korea. Ang pinag kaiba ay nakaka relax dito.

Mukhang member sila ng Music team kung tawagin naman sa Catholic is Choir na merong nag lelead sakanila. Worship Leader naman kung tawagin sa Music Team na nag lelead sa pag kanta.

Medyo dumadami narin ang mga tao ngunit sa pwesto kung saan ako naka upo ay wala pa masyadong na uupo. Anim ang upuan bawat row mapa left and right side dibale 12 seats ito at ako palamang ang naka upo ang pwesto namin ni Kie at Cal ay asa kabilang dulo at hindi sa may gitna ang daan at asa Left side kami.

"Malapit na po tayong mag start." sabi nung babae sa gilid ng stage mukhang elder na ito dito sakanila.

"Hi." sabi nung babae na umupo sa row namin.

"Hello po."

"Ikaw ba yung classmate ni Cal?" tanong nito sa akin. Mukha pa itong bata, siguro mga 30+ palang siya.

"Ay hindi po." sagot ko rito "Kaibigan niya po pero same strand lang po kami."

"Ikaw siguro yung pamangkin ni Mine ano?" sabi nito at lumapit sa akin sabay na upo sa tabi ko.

"Opo ako nga po."

"So it's you Morgan." gulat ko ng banggitin niya ang pangalan ko dito sa pinas. Pano niya kaya na laman?

"Ah ye-s po." sinubukan kong wag mautal para hindi mahalatang na gulat ako sa sinabi niya.

"Ako nga pala ang mama ni Cal at ni Kie, I'm Devie." sabi nito sa akin. "But you can call me Tita Vie." tumango ako bilang sagot at sinuklian siya ng ngiti.

Things We Never HadWhere stories live. Discover now