Chapter 2

445 20 0
                                    

Hindi pa tumitilaok ang manok ay naghahanda na kami ni Blood papunta sa unibersidad na papasukan namin. Bitbit ang aming mga dokumento ay sabay naming nilakbay ang masukal na gubat upang makarating kami sa takdang oras.

Eksaktong alas siete ng umaga ng dumating kami sa Valdemoire University. Kakaunti pa lamang ang estudyunte marahil ay dahil mamaya pa naman magsisimula ang mga klase. Habang nawiwili ako sa pagmamasid ay derederetso naman sa paglalakad si Blood na animo'y pag aari niya ang lupang nilalakaran niya. She held her head up high while elegantly walking. Napailing na lamang ako dahil isa iyan sa bagay na minahal ko sa kanya.

She's a strong and independent woman.

Nang makarating kami sa harap ng opisina ng principal ay sinipa ni Blood ang pinto at dumeretso sa pagpasok. Naabutan ko pa ang Ginang na nakanganga lamang at hindi makapaniwala sa ginawa ni Blood. Hindi ko siya masisisi, ganyan talaga ang ugali niya.

"Good morning, Ma'am," bati ko pero ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin ng Ginang.

"What is your name?" tanong nito pero na kay Blood ang tingin. Inilapag ko sa harap nito ang papel na siyang kinakailangan para tuluyang makapag enroll.

"That is our papers," maikling sambit ko. Napatingin ito sa akin at kinuha ang mga papel saka binasa. Tumango-tango pa ito.

"We already paid our expenses for the whole school year, kaya walang rason para hindi niyo kami tanggapin," pag iimporma ni Blood sa principal.

"Oh!?" The principal was taken aback after confirming that everything is settled. Her eyes widen upon reading Blood's credentials.

"You are both in the Section I4-A."

"Cool," dinig kong sabi ni Blood bago umalis dito sa loob. Hinarap ko ang principal saka kinuha ang schedule namin at sinundan ang mate ko.

"Blood!" Sigaw ko pero hindi siya humarap.

Umiral nanaman ang kaartehan niya.

"Hon!" Tumigil ito saka nakangisi na humarap sa akin.

"Yes, Hon?" Damn this woman. She's making me look like a lovesick fool, well apparently I am.

Hinawakan ko ang braso nito saka hinila pagpasok sa isang silid.

Dumeretso kami sa likod at doon pumwesto para hindi kami masyadong mapansin ng ibang mag-aaral.

Hindi nagtagal ay napuno ang silid at pumasok ang isang guro na sa tantiya ko ay nag eedad ng trenta.

"Magandang umaga sa inyong lahat."

"Magandang umaga rin, Ginoong Marquez!" bati ng ibang estudyunte. Hindi na kami nag abala na tumayo pa.

Itinabi ni Blood sa akin ang upuan niya saka inihilig ang ulo sa balikat ko sabay yakap sa bewang ko.

Nadako ang paningin ng guro sa akin ay kay Blood. Bigla na lamang sumama ang timpla ng mukha nito.

"Couples are not allowed in my class. Maghiwalay kayo ng upuan," sabi nito. Lumingon sa amin ang ilang estudyunte pero hindi kami natinag.

"Mr? Ms? Did you hear what I've said?"

"Yes."

"Do I look like a deaf to you?" Biglang sabat ni Blood saka tumayo.

Nanahimik naman ang guro at pumalit ang bulungan ng mga estudyunte. Mga walang kwentang nilalang.

"How dare you disrespect our teacher?" Sagot ng isang babae na mukhang mataray. Hindi yan uubra sa mate ko baka mapatay ka pa niya ng wala sa oras.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon