Chapter 8

167 8 0
                                    

Sinusundan ko ng tingin si Blood na pabalik-balik sa paglalakad sa loob kwarto namin.

Mukhang malalim ang kanyang iniisip, hindi ko rin naman mapasok ang kanyang isipan dahil naglagay siya ng harang sa kanyang utak.

"Hon, what's bothering you?" Mahinang tanong ko pero hindi niya manlang ako napansin.

Inubos ko ang iniinom kong Vodka at tumayo para yakapin siya.

Natigilan naman siya at agad na humarap sa akin saka binigyan ako ng halik pero agad rin namang bumitaw at pabagsak na humiga sa kama.

"Davian? Wala ka bang napapansin na kakaiba sa school?"

Napatingin naman ako sa mukha niya saka muling nagsalin ng Vodka sa aking baso at umupo sa sahig at sumandal sa may cabinet.

"Wala naman akong napansin maliban sa mga reports na may namamatay na students. Maliban doon wala na akong napansin na kakaiba."

Tumango siya at bumaba sa kama para tumabi sa akin saka kinuha ang basong hawak ko at diretsong tinungga ang laman ng baso.

"Who do you think is behind all of those shits?" Seryoso na tanong niya habang nagsasalin muli ng Vodka sa baso.

"Bakit ba 'yan ang tanong mo?"

Umiling siya saka niyakap ang aking braso at hinalikan ang aking balikat.

"We found two dead bodies yesterday, hindi ko rin nalaman ang totoong dahilan kung paano sila namatay. Hindi gumana ang ability ko and that is what bothering me, kahit kailan ay hindi pumalya ang kakayahan ko."

"Just stop overthinking about it okey?" Pag aalo ko sa kanya saka hinawakan ang kanyang batok at hinila palapit para mahalikan ko siya.

"Blood!" Nakangiti na sinalubong ako ni Locki habang naglalakad ako papasok sa paaralan.

Tinaas ko naman ang kilay ko. Close ba kami? Tanong ko sa aking sarili at tinanguan na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Blood! Teka..." Hinabol niya ako at hinawakan ang aking kamay. Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng kakaiba, agad na hinarap ko si Locki at ng makita ang mukha niyang nakangiti ay napatulala ako.

I tried to read his thoughts pero wala, blangko ang kanyang isipan.

"Anong kailangan mo?" Masungit na tanong ko at muling naglakad pero sumabay siya sa akin.

"Just wanted to greet you a happy morning." He was smiling widely and looked at me full of admiration.

Napailing na lang ako saka hindi siya pinansin pero bigla na lang uminit ang aking ulo ng muli kong makita si Phiovee na kinakausap si Davian. Nakahawak pa siya sa braso ni Davian kaya naman biglang nandilim ang aking paningin.

I was about to use my ability when I felt a hand in my waist.

"Hon, your eyes are Golden. Keep calm, breathe in... breathe out."  Sinubukan akong pakalmahin ni Davian pero sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Phiovee ay bumabalik ang galit ko.

"Bakit nandyan kayo nagyayakapan sa pinto? Locki, di ba ang sabi ko susuwayin mo ang sino mang lumalabag sa—" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mr. Márquez.

Hinawakan ko ang kanyang leeg at hinila siya palabas ng pinto at nag teleport patungo sa bahay ng aking ina.

Pabagsak na itinapon ko siya sa sahig, sa harap ng aking magulang.

Umiiling na tiningnan ako ni Kaifier at nakataas lang naman ang kilay ni Fiera habang nakatingin kay Mr. Márquez na nakasalampak sa sahig at pinipigil ang sarili na mapasigaw dahil nabali ang kanyang kaliwang kamay.

"Good morning, anak. Kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni Kaifier. He raised his wine glass and I can smell that it was a fresh blood.

Naiinis na tiningnan ko ang aking ama na tumawa lang at tinuloy ang paghiwa ng sariwang karne sa kanyang plato.

"Dad!" Galit na sigaw ko, humarap ako kay Tita Athera na patuloy sa pagkain ng Steak.

"Sit down," my mom ordered with full  authority.

Umiling ako at itinuro ang taong nasa sahig. "He keeps on irritating me! Gosh!!"

"Mr. Márquez?" Tawag ni Fiera sa pangalan ng lalake, nanginginig naman na umupo ang lalake. Kita ang takot sa mata niya ng tinawag ng aking ina ang kanyang pangalan.

"Y-y-yes p-o Madam?" Nauutal na sagot niya, umiling si Fiera.

"Alam mo na ayaw ng anak ko na pinapakialaman siya. I already warned you, you didn't listen to me." Kalmado ang kanyang pananalita pero kahit ako ay nakaramdam ng takot.

Fiera is scary, well? She's my mom, what do you expect? Napangisi naman ako at umupo sa tabi ni Kaifier.

"I miss you, Daddy, I miss you, Tita Athera! Why aren't you visiting me? Nakakatampo." Tumango lang si daddy, si Tita Athera naman ay ngumiti at hinawakan ang aking pisngi saka inabot sa akin ang isang kopita na may lamang dugo.

"That's your mom's favorite. Dugo ng isang venomous snake. "

Kinuha ko ang kopita at inilapit sa aking ilong, I sniffed the blood and it smell so sweet. Agad na ininom ko iyon at napapikit.

I can feel the power radiating through my body. Ikinuyom ko ang aking kamay at huminga ng malalim saka tumayo at marahan na inilagay ang kopita sa mesa.

"Tita Athera, add a small amount of his blood to my mom's favorite wine."

Namutla si Mr. Márquez at hindi makapaniwalang napatingin sa akin pero agad na napatawa ang tatlo na nasa mesa kaya umangat ang aking labi at nginitian ng matamis si Mr Márquez.

"Tumayo ka jan, may klase pa tayo."

Hindi ko na kailangan pang ulitin ang sinambit ko dahil agad na tumayo siya at tumakbo palapit sa akin pero alam ko na naghahanda rin siya kung sakali man na sakmalin ko ang kanyang leeg para tikman ang kanyang dugo.

"Aalis na po kami." Magalang na paalam ko sa kanila.

Sabay-sabay na itinaas nila ang mga hawak na kopita at tumango.

Hinawakan ko ang kamay ni Mr. Márquez at dinala siya sa gubat na nasa likod ng paaralan.

"B-bakit?" Nahintatakutang tanong niya pero ngumiti lang ako sa kanya.

"I am going to give you some orders."

Napatingin siya sa akin na para bang nagtatanong kung ano ang iuutos ko sa kanya.

"Alam ko na hindi mo ako ipapahamak, dahil sa oras na may ginawa kang bagay na hindi ko magustuhan," I acted like I'm slitting my throat while looking intensely at him.

Tumango naman siya kaya ibinigay ko sa kanya ang isang folder. Doon nakasulat ang mga bagay na ipinag-uutos ko sa kanya.

Pinagmamasdan ko ang reaksyon niya habang binabasa ang laman ng folder.

His eyes widened at hindi makapaniwala na nakatingin sa akin, nakaawang pa ang kanyang bibig.

I smiled at him mockingly and said, "Good luck."

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon