Chapter 28

73 5 0
                                    

Maingat na binuhat ko si Blood dahil alam kong hindi kaya ni Davian na kargahin ang katipan niya, wala siya sa kanyang sarili at tulala lang habang nakatingin kay Blood.

"Salamat sa tulong, Locki. Ngunit kailangan na naming umalis para bigyan ng paunang lunas si Blood." Dinig kong paalam ni Phiovee sa kanyang kaklase.

Tumango lang ako sa lalake at nauna na sa paglalakad.

Inaalalayan ni Phiovee si Davian na walang imik habang naglalakad kami, ni hindi niya yata batid na narito na kami ngayon sa loob ng palasyo.

Dinala ko si Blood sa kanyang kwarto at siniyasat ang kanyang lagay, ngunit ganun pa rin. Sobrang lamig na ng kanyang katawan na parang yelo. Natural na malamig ang katawan ng mga bampira ngunit dahil hindi isang normal na bampira si Blood ay iba ang temperatura ng kanyang katawan. Her body is warm and when it becomes cold it means she is dying or dead.

Humahangos na tumakbo sa amin ang kanyang mga Tiyahin pati ang magulang niya na agad siyang inasikaso subalit makalipas ng ilang minuto ay natahimik si Vera at Athera na siyang tumingin sa lagay ni Blood. Nagkatinginan sila ng makahulugan at tinapik ang balikat ng ama ni Blood.

"Kumalat na ang lason sa buo niyang katawan. Kung mas naging maaga lang sana kayo sa pagsagip sa kanya ay maisasalba pa natin ang kanyang buhay." Mahina at malungkot na saad ni Athera saka naluluha na tiningnan si Blood.

Napuno naman ng hikbi ang silid, mas nangingibabaw ang pagtangis ni Fiera. Alam ko na masakit sa kanya na nakikita si Blood sa ganitong kalagayan.

Yumuko ako at pasimpleng pinahid ang luhang kumawala sa aking mata, kung hindi ko sana siya pinayagan na tumungo doon 'di sana ay buhay pa siya ngayon.

"Patawarin mo ako kung hindi kita napangalagaan, Bella. Ngunit pakiusap, alam kong kaya mo ito. Iligtas mo ang iyong sarili. Nagmamaka-awa ako, Bella. Gumising ka," panalangin ko habang nakatitig sa kanya.

"May paraan pa, Kaifier! May paraan pa upang maibalik natin ang ating anak!" Umiiyak siya habang nagsusumamo sa kanyang asawa na muling buhayin ang kanilang anak.

Napaluhod si Fiera habang hawak ang palad ni Kaifier, agad na dinaluhan siya ng kanyang asawa at niyakap. Napansin ko sa isang tabi si Phiovee na yakap din si Davian na tumatangis habang paulit-ulit na sinasambit kung gaano niya kamahal ang kanyang katipan.

Bahagya akong napailing, alam ko na may nararamdaman si Phiovee kay Davian ngunit hanga ako sa pagiging matatag niya. Nakakaya niyang tingnan ang mahal niya na may ibang tinatangi.

"Hahanap tayo ng paraan," sambit ni Athera.

Tumikhim naman si Vera para kunin ang aming atensyon. " Subukan nating humingi ng tulong sa pamilya ng mga mangkukulam na naninirahan sa bundok ng Arachtia."

Natigilan si Fiera at umalis mula sa pagkakayakap ni Kaifier saka hinarap si Vera.

"Siya rin ang tumulong sa akin dati kaya alam ko kung gaano siya ka makapangyarihan. Kaya magmadali kayo, maglalakbay tayo patungo sa bundok Arachtia at hihingi tayo ng—" naputol ang kanyang pagsasalita ng humangin ng malakas at bigla na lamang may sumulpot na nilalang sa likuran ni Vera at Athera.

"Hindi niyo na siya kinakailangan na dalhin pa sa bundok Arachtia."

Naglaho ang dalawa at tumabi sa amin saka hinanda ang kanilang sarili.

"Sino ka?" Tanong ni Kaifier. Inalis ng babae ang suot na balabal at tumambad sa amin ang isang napakagandang dilag.

Napatayo naman si Davian ng makita ang babae.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon