"Saan ka galing?"
Natigilan ako sa paglalakad papasok sa kwarto ng dahil sa tono ng pagtatanong ni Davian.
Iritadong hinarap ko siya saka inilagay ang dalawang kamay ko sa aking bewang.
"Are you mad?" I asked him coldly.
Inisang lagok niya ang laman ng hawak niyang kopita saka niyakap ako.
"Where have you been? I feel so tired." Isiniksik niya ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko.
Niyakap ko na lang siya pabalik saka masuyong hinaplos ang kanyang likod.
"May inimbestigahan lang ako, what is bothering you? Kaninang umaga ko pa napapansin na parang wala ka sa iyong sarili."
Instead of answering my question he bite my neck and gently sucked my skin leaving a red mark.
Hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya and we ended up in the bed.
Payapa siyang natutulog habang nakayakap sa akin, nanatili naman akong nakamasid sa kanyang mukha.
"Ano ba talaga ang bumabagabag sa isipan mo, Davian?" Nag aalalang tanong ko sa aking isipan, hindi ko alam pero bigla ay nakaramdam ako ng lungkot, sa hindi malaman na dahilan.
Marahan na inalis ko ang braso niyang nakayakap sa akin saka tahimik na tumayo at bumaba sa kusina.
Kinuha ko ang isang bote na may laman na dugo at sinalinan ang isang malaking wine glass at lumabas patungo sa garden.
Umupo ako sa bermuda glass at niyakap ang aking tuhod. Marahan ko ring sinabunutan ang aking sarili dahil sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan.
Kung sino ang taong nasa likod ng patayan, kung sino ang susunod na biktima, kung ano ang kanyang motibo at bakit siya pumapatay. Iniisip ko rin kung ano ang bagay na bumabagabag sa mate ko.
"Arghhhh!!!" I shouted the frustration that I am feeling.
Ilang beses na sumigaw ako para mawala ang frustration ko. I was so anticipated to know the whole truth.
Natigilan naman ako sa ginagawa ko ng maramdaman ko na merong nakatingin sa akin. Pasimpleng iginala ko ang aking paningin sa paligid para tingnan kung meron nga bang tao na nakamasid sa aking ginagawa.
Napalingon ako sa mayabong na damuhan ng biglang gumalaw iyon at nakarinig ako ng yabag papalayo. I teleported but I found no one.
I slapped my forehead because of irritation.
"Blood," konekta ni Vaine sa akin gamit ang telepatiya.
Naglakad na lamang ako pabalik habang kinakausap si Vaine.
"Natasia is also a victim of the same poison, Batrachotoxin."
Nanatili akong tahimik at hinintay kung meron pa ba siyang sasabihin.
" The poison was on the tip of the ballpen, kaya napasok ang lason sa kanyang katawan. Unlike sa magkapatid na Fernando. Sadyang ininject sa kanila ang lason bago sila saksakin."
"What about the culprit?" Umaasa ako na meron na siyang lead.
"Anonymous," 'yan lang ang tangi niyang sagot at pinutol na ang aming pag iisip.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina para sana kunin ang wine glass pero wala na iyong laman ng balikan ko.
There was also a smiley written in the glass by the use of blood.
Muli ay tiningnan ko ang paligid pero wala akong makita.
"You'll going to meet me soon."
Biglang nabasag ang wine glass dahil sa higpit ng aking pagkakahawak ng marinig ko ang isang 'di kilalang boses.
"Sino ka?" Mahinahon na tanong ko, nagbabaka sakaling nariyan pa siya sa paligid.
"Anong gusto mo?"
"Anong kailangan mo?" Sunud-sunod na tanong ko pero hindi na siya sumagot kaya naman napagpasyahan kong bumalik na lang sa loob.
"Saan ka galing?" Bungad na tanong ni Davian ng pumasok ako sa kwarto.
"Doon sa labas nagpahangin lang dahil may bumabagabag sa isipan ko." Pag amin ko. Tumango na lang siya saka ako muling niyakap para matulog.
Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng bintana dahil parang may nakatitig sa akin subali't wala akong nakita kahit na anino.
I was sitting comfortably in the branch of the tree while looking at her.
"Blood," sambit ko ngunit alam ko na hindi niya ako naririnig.
Pinagmamasdan ko siya simula ng lumabas siya at umupo sa damuhan at bigla na lang sinabunutan ang kanyang sarili.
I smirked evilly, "Am I giving you a hard time?"
Nagsimula siya sa pagsigaw pero agad na natigilan dahil naramdaman niya ata na tinitingnan ko siya. Bago pa niya malaman ang kinalalagyan ko ay itinuro ko ang damuhan sa kanyang likuran at ginamitan ng kaunting mahika.
Pinagalaw ko iyon and I made her hallucinate na merong tumatakbo palayo.
Nang mawala siya ay pumunta ako sa kinauupuan niya at ininom ang laman ng wine glass, nagtira ako ng kaunti. I dipped my finger into the leftover blood and started to draw a smiley face.
Agad din akong umalis at bumalik sa kinauupuan ko.
"You'll going to meet me soon." I used my ability to connect to her mind link.
Nabasag pa ang hawak niyang wine glass at saka tumalikod para bumalik sa kwarto nila ng kanyang mate.
I clicked my tongue because of annoyance.
"Mate?" Tanong ko sa hangin at natawa ng mahina.
"Ridiculous," sambit ko at nagtama ang aming paningin ni Blood pero alam ko na hindi niya ako mapapansin because I cloaked myself.
"You are mine, Blood. You belong to me."
"Iba raw ang guro natin ngayon." Dinig kong sambit ng aking kaklase ng pumasok ako sa room.
May kanya-kanyang kinawiwilihan ang mga estudyante pero ako ay nakatulala sa hangin habang nag-iisip pa rin.
"Good morning classmates!" Masayang bati ni Locki ng pumasok sa room at sa likod niya ay nakasunod ang isang lalake.
"Siya si Mr. Valdez, substitute teacher para sa subject ni Mr. Marquez, siya muna ang pansamantalang magtuturo sa atin. So I need you all to respect and be polite to him." Nakangiti at pormal na pagsasalita niya sa amin.
Sumang ayon na lamang kaming lahat at hindi na umapela dahil wala naman kaming magagawa.
Siniyasat ko ang bago naming guro. Maayos at malinis ang kanyang sarili at matikas ang kanyang tindig. Ramdam ko rin ang authoridad na nanggagaling sa kanya pero isinawalang bahala ko iyon.
"Good morning students," malamig ang kanyang boses pero hindi iyon pangit pakinggan.
Hinawakan ko ang kamay ni Davian at pinaglaruan ang kanyang daliri. Hindi naman siya nagreklamo at nagpatuloy lang sa pag-sketch. Sinilip ko ang kanyang ginagawa, isa iyong babae na may suot na cloak.
Napaisip naman ako, sino ang babaeng iginuguhit niya?
"I am Lorde Valdez. I am a chemistry teacher at alam kong iba sa inyo ay kilala na ako."
Nagtama ang aming paningin at bigla na lamang niya akong kinindatan na isinawalang bahala ko na lamang.
"Lorde Valdez," I called his name in the back of my mind.
BINABASA MO ANG
Blood
Mystery / ThrillerWhat if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20