Chapter 19

111 8 0
                                    

"Blood?"

Tumigil ako sa paglalakad at pumihit paharap sa aking ina. Naiiyak na tumakbo siya sa aking harap at hinaplos ang aking mukha.

"Mom," tawag ko dahil pumatak ang kanyang mga luha.

Tss, iyakin. Kailan pa naging iyakin ang isang Fiera?

"I'm just so glad that you're awake. Oh my daughter, I can't afford to lose you. Are you feeling okey?"

Walang gana na tumango na lang ako at nagpaalam na magpapahinga na muna pansamantala.

Pabagsak na humiga ako sa aking kama at nagpalabas ng apoy at pinalutang 'yun sa hangin.

Hindi ko namalayang iginuguhit ko ang wangis ni Davian gamit ang apoy.

Napangiti ako ng malungkot at hinawakan ang aking dibdib.

I feel so empty.

Pinalis ko ng marahas ang luha sa aking pisngi, sobra ang lungkot na nararamdaman ko. Bakit ba na kailangan pa na mangyari sa amin 'to? Sa tingin ko ay hindi ko makakaya.

"Davian," tawag ko sa kanyang pangalan at tinakpan ang aking mukha para walang makarinig sa aking paghikbi.

Ipinikit ko ang aking mata at mas lalo akong naiyak dahil sa masasaya naming alaala.

Ikinuyom ko ang aking kamay at malakas na hinampas ng ilang ulit ang aking dibdib.

"Bakit?! Bakit?! Paano naaa?!!!" Naninibughong sigaw ko at hindi ko namalayan na nagbabaga na pala ang bedside table at umabot ang apoy sa aking unan hanggang sa kumalat 'yun sa kinahihigaan ko, ngunit hindi ako gumalaw para iwasan ang apoy na unti-unting sinusunog ang aking balat. Hindi ko maramdaman ang hapdi at ang init dahil sa lungkot na bumalot sa aking puso.

Biglang humangin ng malakas at ramdam ko ang apoy sa aking tabi na marahang natutupok dahil sa tubig na hindi ko alam kung saan galing.

"Are you trying to kill yourself?"

Tanong ng isang tinig sa akin, hindi ko kilala kung sino 'yun subalit pamilyar ang timbre ng kanyang boses.

"I'm just confused, I just wanted to rest for a while," saad ko at inilagay ang aking braso sa aking mukha.

Ramdam ko na may pumasok sa aking kwarto pero hindi ko na 'yun pinagtuonan ng pansin at napagpasyahan na lamang na umidlip.

"Did you already perfected the poison?"

Itinigil ko ang pagsalin ng alak sa aking baso at nilingon ang aking ama na ngayon ay matiin na nakatitig sa akin.

"Malapit na," mahinang sagot ko at binitbit ang baso.

Naglakad ako patungo sa bintana at pinagmasdan ang nagtataasang mga puno, itinukod ko ang kamay ko sa bintana at sinimsim ang alak.

"Kamusta naman ang dilag na iyong sinusubaybayan?"

Hindi pa ako nakakasagot at muli nanaman siyang nagtanong.

"Nahanap mo na ba siya?"

Umiling ako at inubos ang alak na laman ng baso.

"You need to find her, dahil gagawa siya ng paraan para matigil ang ating plano, at 'yun ay 'di ko pinahihintulutan na mangyari. Ilang taon na natin to inaasam at ngayong malapit na nating maperpekto ay 'di tayo maaaring tumigil."

Naglakad ako patungo sa harap niya at tiningnan siya.

"Huwag kang mag-alala, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko."

Nabitiwan ko ang hawak kong baso ng bigla akong nakaramdam ng kakaiba kaya agad na nagpaalam ako sa kanya.

I used my vampire speed to run fast to reach her. Umakyat ako sa puno na nasa harap ng kanyang kwarto at nakita ko na nagbabaga ang nangangalit na apoy sa kanyang paligid at tila ba wala siyang pakialam sa ano mang pupwedeng mangyari sa kanya.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon