Chapter 38

81 4 0
                                    

Nandito ako sa aking silid at hinahanda ang aking sarili, mamayang gabi kami tutungo sa Rintiamus upang kunin ang mga katawan ng biktima.

Narinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto ng aking kwarto kaya lumapit ako doon at inalis ang lock at binuksan ang pinto. Bumungad sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Phiovee.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, hindi ko pinahalata na ako ay nagulat sa kanyang pagpunta.

"Alam ko ang plano niyong pagsugod sa Rintiamus, inutusan ako ni Ina na sumama sa inyo."

Umiling ako at kinuha ang isang pilak na dagger at itinago iyon sa boots na suot ko. Inayos ko ang itim na leather jacket na suot ko. Isang pulang tube lang ang suot ko bilang panloob, naka suot din ako ng itim na denim short. Kinuha ko ang baril sa ilalim ng bedside table at isinukbit iyon sa'king bewang.

"Maiwan ka rito, Phiovee. Baka mapahamak ka doon," Mariin na saad ko at tatalikod na sana ng humarang siya sa aking dinadaanan.

"Sasama ako, sa ayaw at sa gusto mo. Gusto kong tumulong."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili ko dahil naiirita na ako sa kakulitan niya.

"Hindi nga pwede, mapanganib doon at kapag may mangyari sa iyo masasaktan si Davian!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa inis.

She just rolled her eyes. "Basta sasama ako. Makakatulong sa inyo ang kapangyarihan ko," nagmamatigas niyang sagot at tumalikod sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama at lumabas na lang sa aking kwarto upang pumunta sa kakahuyan, doon ko hihintayin si Vaine at ang ilan niyang kasamahan.

Hindi na ako nakapagpaalam pa sa aking magulang dahil alam ko na mag-aalala sila, ngunit alam ko naman na batid na nila ang aming misyon.

Umakyat ako sa isang puno at humiga sa malaking sanga. Malapit na ang paglabas ng buwan at unti-unti na rin silang nagdadatingan dito.

Nadinig ko ang pagsipol ni Vaine, tanda na humanda na kami. Umayos ako ng upo sa sanga at kinuha ang mansanas na nasa bulsa ng aking jacket.

Tumama ang sinag ng buwan sa aking balat at ramdam ko ang paglakas ng aking kapangyarihan, bilog na bilog ito ngayon, ramdam ko ang pag-iiba ng kulay ng aking mata. I know my eyes are now red. Lumabas din ang aking pangil at lumakas ang aking pandinig, dinig na dinig ko ang mga kaluskos sa 'di kalayuan.

"Let's go!" Sigaw ni Vaine sa aming isipan.

Tumayo ako at mabilis na tumalon sa isang sanga, walang ingay na tumakbo ang ilan sa amin at ang iba ay tumalon-talon sa mga sanga hanggang sa marating namin ang border ng Rintiamus.

Sobrang dilim ng paligid, patay rin ang mga puno, umaalingasaw ang masangsang na amoy at may mga kakaibang ungol kang maririnig doon. Ito ang pinaka-delikadong lugar dito sa aming mundo.

Kinagat ko ang hawak kong mansanas at tumalon pababa sa sanga. Marahang naglakad ako patungo sa likod ni Vaine, na pinagmamasdan ng maigi ang paligid, kulay pula rin ang kulay ng mata ni Vaine pati ng aming kasamahan.

Biglang sumulpot sa aming harap si Phiovee na nakasuot ng kulay pula na dress.

What the fuck? Gulat na sambit ko sa aking isipan.

"Aware ka ba, Phiovee na baka magkagulo rito mamaya? Bakit ka nakasuot ng dress? At pula pa talaga?" Naiinis na tanong ko sa kanya pero tumingin lang siya sa akin at nag peace sign. Hell! She's a psychopath.

May dumaan na Lycan kaya nagtago kami ng bahagya, hihilain ko na sana si Phiovee ng bigla siyang sumigaw.

"Hello!!!" Sigaw niya ng malakas.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon