Nakatingin lamang ako sa mukha ng diwata at hinihintay kong sasabihin niya sa akin na nagbibiro lamang siya, kahit na alam kong hindi iyon mangyayari.
Iniyuko ko ang aking ulo at bahagyang hinilot ang aking sentido.
"Phiovee? Si Phiovee na pinsan ni Blood ang totoong mate ko? Ang siyang talagang nakatakda sa akin?"
"May iba ka pa bang kilala na Phiovee?"
Hindi ito maaari, isa itong masamang biro ng tadhana. Alam kong masakit para kay Blood ang kaalaman na hindi kami ang itinakda ngunit ang kaalaman na ang babaeng pinagseselosan niya ang aking kalahati ay sobra na iyon.
Hindi ko ibig na dagdagan pa ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Ang tanging nais ko lamang ay ang maging masaya siya, kaming dalawa. Bakit hindi na lang iyon ibigay ng taga-likha?
"Bakit sa dami ng nilalang sa mundong ito ay pinsan pa ng babaeng iniibig ko?"
Dumaan ang lungkot sa kanyang mata, nilapitan niya ako at binigyan ng isang mainit na yakap.
"Alam kong alam mo na noong una pa lang na si Phiovee talaga ang mate mo, ngunit hindi mo iyon tinanggap dahil sa pag-ibig mo kay Blood."
Blood, ikaw lang ang babaeng tanging nais ko na makapiling sa buong buhay ko.
"Hindi rin simpleng atraksyon ang naramdaman mo nang una mo siyang makita. Batid ko rin na may nangyari na sa inyo, at simula ng araw na iyon ay nabuo na ang bond niyo ni Phiovee. Kung napansin mo ay hindi mo na nararamdaman si Blood."
Umiling ako at bumitaw sa kanyang pagkakayakap.
"Ngunit alam ko na si Blood talaga ang mate ko. Paano nangyari na nagbago?"
"Dahil isa kang espesyal na uri ng Werewolf, Davian. Iba ang klase ng dugo na dumadaloy sa iyong katawan. "
Pilit na kinakalma ko ang aking sarili, hindi ko na alam ang gagawin ko. This information is too much.
Itinukod ko ang aking palad sa pader at yumuko, sobrang bigat ng aking nararamdaman.
"May mga dapat pa ba akong malaman?"
Matagal bago siya sumagot sa akin, "Sa takdang panahon. Ako mismo ang magsasalaysay sa iyo."
Tinapik niya ang aking balikat at naglaho.
Phiovee... Patawarin mo ako, ngunit hindi kita matatanggap. Si Blood lang ang mahal ko.
Nakaramdam ako ng sakit at alam ko na hindi sa akin iyon.
Patawarin mo ako sa aking gagawin Phiovee, sana ay mahanap mo ang lalake na talagang magmamahal sa iyo. Yung pipiliin ka at ipaglalaban, dahil hindi ako 'yun. Hindi ako nararapat sa pagmamahal mo.
"I am rejecting Saviane Phiovee Valzuela Kraine, as my mate."
Ipinikit ko ang aking mata at ramdam ko ang pagpatak ng aking luha, habang unti-unting nawawala ang bond ng naming dalawa.
Nang tuluyang mawala ang bond namin ay napaluhod ako, wala akong maramdaman. I am voided with emotions, I can't anything.
"Davian?" Hindi ako lumingon at hinayaan ko na yakapin ako ni Phiovee.
Umiiyak siya habang yakap ako at nagmamakaawa.
"Davian, please. Please don't reject me as your mate. Ikakamatay ko iyon Davian, pakiusap, bawiin mo ang iyong sinabi." Sinisinok na siya sa kakaiyak at bakas sa boses niya na nahihirapan at sobrang nasasaktan siya.
Inalis ko ang kamay niya at tumayo ako ngunit hinawakan niya ang aking kamay, nakatingala siya sa akin, hilam ng luha ang kanyang mata. Namumula din ang pisngi at kilay niya sa sobra niyang paghagulgol.
BINABASA MO ANG
Blood
Mistero / ThrillerWhat if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20