Chapter 23

86 5 0
                                    

Dumaan ang sandaling katahimikan sa pagitan namin ni Locki, he was probably thinking about what I've said earlier.

Akmang titingnan ko ang profiles na nasa folder ngunit hindi ko iyon makita, napasandal ako sa upuan at hinampas ang aking noo. Nakalimutan siguro ni Locki doon sa pinagtaguan namin kanina.

Hindi na ako nagpaalam sa kanya at basta na lang tumayo at naglaho pabalik sa opisina ni Luissana.

Walang ingay na napaatras ako ng makita ko siyang tahimik na nakaupo sa swivel chair at pinaglalaruan ang hawak na ballpen.

I cloaked myself and silently walked towards the back of the shelf. Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng makita ang folder na nasa sahig. Pinulot ko 'yun at ganun na lamang ang aking gulat ng may humawak sa aking balikat.

Nilingon ko kung sino 'yun at nang makita ang naguguluhan na mukha ni Luissana ay agad na inalis ko ang kamay niya at bahagyang umatras.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot-noong tanong niya sa akin at humakbang palapit sa akin.

Bawat hakbang niya paabante ay siya 'ding hakbang ko paatras.

Bumaba ang tingin niya sa folder na hawak ko at tiningnan ako ng masama. She was muttering something, at bigla na lang akong napako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit na anong subok ko.

"Uulitin ko, anong ginagawa mo dito?" Nawalan ng emosyon ang kanyang mata at nakita ko na nag-iba ang kulay 'nun. She was using her power to control me.

'Fuck!' I cursed in the back of my mind.

Bigla na lamang siya sumulpot sa aking harapan saka ako sinakal.

I winced in pain when I felt her nails dug in my flesh.

"Bitiwan mo ako!" I commanded to her, subalit binigyan niya lang ako ng nang-uuyam na ngiti at mas lalo pang binaon ang kanyang kuko sa aking leeg.

Ipinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim, napangiti naman ako ng maglaho ako sa kanyang harapan at napunta sa kanyang likuran.

Sinipa ko ng malakas ang kanyang likod kaya nasubsob siya sa sahig, hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makatayo pa. Agad na sumampa ako sa kanyang likod saka hinila ang kanyang buhok kaya ngayon ay nakatingala na siya.

Akmang hahawakan ko ang leeg niya para sana sakalin siya ngunit bigla na lang akong tumilapon at tumama ng malakas ang aking likuran at ulo sa pader.

Napaupo ako sa sahig at hindi agad nakatayo dahil umiikot ang aking paningin.

Marahas na umiling ako para mawala ang aking pagkaliyo saka tumayo bago pa man siya makalapit sa akin.

Binato ko siya ng apoy ngunit hindi 'yun tumama sa kanya dahil bigla na lang 'yun naglalaho. Then I felt something pierced in my back.

Nanlaki ang aking mata ng mapagtanto kung ano ang kanyang kapangyarihan. It's wind, she has the power of wind, at nagagawa niya iyong ihulma para maging isang invisible daggers.

I hissed, "Huwag mo akong gamitan ng kapangyarihan mo."

She laughed sarcastically and mocked me, "Bakit? Kasi alam mo na walang laban 'yang kapangyarihan mo?"

I creased my forehead and stifled a smile. She's so annoying!

Seryoso muli siyang tumingin sa akin at base sa kislap ng kanyang mata alam kong may binabalak nanaman siya.

I secretly used one of my ability, gumawa ako ng invisible shield at kita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng nanatili akong nakaupo, alam kong alam na niya na merong harang na nakapalibot sa akin kaya hindi niya magamit ang kanyang kapangyarihan.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon