"Blood, hellooooo!" Masayang bati ni Phiovee sa akin habang tumatakbo, lumuhod siya sa aking harap at niyakap ang tiyan ko na kasing laki ng bola.
"Ang laki na ng tiyan mo, kailan ka manganganak?" I just smiled and shrugged my shoulder.
Nang makabalik ako rito sa palasyo ay ginawa ko ang tungkulin ko bilang isang prinsesa.
Tinanggap ko ang aking naging kapalaran at mas pinili na maghintay, tulad ng ipinangako ko kay Locki. Ngunit tuwing kalagitnaan ng gabi ay bigla ko na lang siyang naaalala, kaya wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang kwintas na ibinigay niya sa akin.
Hindi ko maiwasan na malungkot dahil sa nangyari ngunit pinilit kong maging matatag, lalo na ng malaman ko na ako ay may dinadala. Huli ko na nalaman na may nilalang na nabubuhay sa aking tiyan.
Sinabi ko ang enkastayon kay Tita Athera at siya mismo ang nagsabi ng ibig sabihin 'nun. Sinabi niya sa akin na iyon ang pinakaunang pamamaraan ng mga diwata kapag nais nila na magkaroon ng supling.
Hindi iyon alam ng kahit na sino. Umuwi si Phiovee at Tita Vera sa Dyefigio nang matapos ang gulo dito sa aming mundo, Phiovee was already crowned as a Queen.
Nang malaman nila na buntis ako ay agad silang umuwi rito sa Helleville. Dito ako mag isang naninirahan sa gitna ng kagubatan, at malapit sa Caskia.
Araw-araw akong binibisita ni Ferra na naging kaibigan ko na rin, madalang lang na bumisita ang aking magulang dahil marami ang kanilang tungkulin.
"Oh! Sumipa siya!" Natatawang sambit ng pinsan ko at hinaplos ang aking tiyan.
Natatawa naman ang aking magulang habang pinagmasdan si Phiovee na tuwang-tuwa sa kanyang pamangkin.
"Hindi pa ba kayo magpapakasal ni Davian?" Dinig kong tanong ni Tita Athera, na nakahilig sa dibdib ni Lorde.
"Still no plans, Tita. I'm still busy with my responsibility as a Queen, at busy din siya sa mga tungkulin niya bilang anak ng Moon goddess."
Nakatitig lamang ako sa mukha ng aking pinsan habang siya ay nagsasalita. I'm happy for the both of them. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang buhok kaya napatingala siya sa akin at binigyan ako ng matipid na ngiti.
Sandali kaming nag usap tungkol sa mga nangyari sa loob ng dalawang buwan nang dumating ang Mahal na dyosa at si Davian.
Ngumiti siya ng makita ako at agad na lumapit sa akin at hinaplos ang aking tiyan. I feel my baby kicked again.
Nanlalaki ang mata niya na nakatitig sa akin, "She kicked!" Hindi makapaniwala na sambit niya.
"She?" Tanong ko sa kanya, ngumiti lamang siya sa akin at hindi na sumagot.
Nang umalis si Davian sa harap ko ay lumapit ang dyosa, tinitigan niya ang aking tiyan at kita ko sa mata niya ang pag-aalinlangan. Kung hahawakan niya ba o hindi, kaya naman kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa aking tiyan. Muli sumipa ang aking anak kaya napatawa ako.
"You feel it my love? That's your grandma, you love her touch?" Muling sumipa ang aking anak kaya napangiti kami ng dyosa.
"Nanghihinayang ako dahil hindi nasisilayan ni Locki ang pagbubuntis mo."
"Hindi pa rin ba siya nakikita?"
Umiling ang dyosa at napangiti ng malungkot.
"I can't still find his reincarnation. Sabi niya hindi siya magtatagal, but what's taking him so long?"
Natahimik naman ako dahil hindi ko alam ang aking isasagot.
"Hayaan na natin mahal na dyosa. Dahil kung gugustuhin ng tadhana, kami ay muling magtatagpo upang ipagpatuloy ang naudlot naming pag iibigan."
BINABASA MO ANG
Blood
Mystery / ThrillerWhat if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20