Chapter 10

146 7 0
                                    

"L.V, L.V, L.V," paulit-ulit na sambit ko at pilit hinuhukay sa aking isipan kung ano ba ang maaaring ibig sabihin ng letrang 'yun?

"Ito ang mga litratong nakuha ko pati ang reports kung ano talaga ang ikinamatay nila." Inabot ko ang folder na hawak niya at binuksan iyon para tingnan ang laman.

Nauna kong kinuha ang mga larawan at organisadong inilatag sa mesa na nasa harapan ko.

Inuna ko ang litrato ng nasa canteen, sunod ang dalawang babae na nakita namin east wing at ang babaeng nasa library.

Ang una ay namatay dahil sa lason, ang ikalawang biktima ay sinaksak sa leeg at sa likod, ang huli naman ay sinaksak sa dibdib.

Tiningnan ko ng maigi ang ginamit sa pagsaksak pero wala iyong initials na siyang ipinagtataka ko, pero pareho ang paraan ng pagkakasaksak niya sa dalawang biktima.

Binasa ko ang reports at doon ko nalaman na nalason talaga ang biktimang nasa canteen. Gold potassium cyanide ang lason na nakita sa kanyang katawan, madami pang bagay ang nakasulat pero hindi ko na iyon binasa pa.

Ang dalawang babae na nasa East wing ay parehong may saksak sa leeg at sa dibdib pero nanlaki ang aking mata dahil sa sunod na nabasa ko.

"Batrachotoxin?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ako pamilyar sa salitang iyon.

Tumigil sa Vaine sa pagtipa sa kanyang laptop at humarap sa akin.

"Yes, Batrachotoxin ang talagang rason kaya namatay ang dalawang biktima sa east wing. Medyo nahirapan nga ang sumuri dahil ang Batrachotoxin ay nakikita lang sa balat ng mga dart-poison frogs na makikita sa South America or in the feathers of some birds in Papua New Guinea. Hindi ko alam kung papaano sila naging biktima niyan dahil sa pagkakaalam ko walang ganyan sa pilipinas."

"Di kaya ay may nag aalaga niyan dito?" Tanong ko sa kanya, he just looked at me and shrugged his shoulders.

"Pero bakit pa sinaksak ng suspect ang mga babaeng 'yun kung..." Natigilan ako ng ilang sandali ng dahil sa ideyang pumasok sa isip ko.

"Obviously, para malito ang mag iimbestiga. Para agad na maisip ng kung sino man na namatay sila dahil sa mga natamo nilang saksak." Nahampas ko ang aking noo dahil sa sinabi ni Vaine.

"That murderer is fucking genius, but not so genius so it's not impressive," Sagot ko saka tumayo para tingnan ang ginagawa ni Vaine.

He was making a report about what happened earlier. Naglakad naman ako paikot sa kanyang lamesa habang iniisip kung sino ba talaga ang taong pumatay at kung ano ang kanyang motibo.

"Huwag ka ngang magulo, Bella! Umupo ka na lang doon." Naiinis na utos niya sa akin kaya tumigil ako sa paglalakad at muling naupo.

Tiningnan ko muli ang mga reports at mga litrato ng maalala ko ang pinapagawa ko kay Mr. Márquez.

Agad na tumayo ako at saka nagteleport ako papunta sa kanya.

Muntik na akong matawa dahil natumba siya sa kanyang swivel chair ng bigla akong sumulpot sa kanyang harapan.

"B-blo-od!" Nahintatakutang sigaw niya saka nagmamadaling tumayo at inayos ang kanyang sarili.

"May nahanap ka ba?" Tanong ko habang inaayos ang aking pag-upo sa kanyang mesa.

Binuksan niya naman ang ikatlong bahagi ng kanyang drawer at may kinuhang folder na agad niyang inabot sa akin.

Wala akong sinayang na oras at agad na bubuksan ko 'yun para basahin.

Terrence Arcenio
23 years old
3rd year student of Mechanical Engineering.

Loiuse Fernando
21 years old
2nd year student of Architecture

Vannesa Fernando
24 years old
3rd year student of Tourism

"Magkakakilala ba ang mga 'to?" Nakatitig lamang siya sa akin at hindi agad nakasagot.

Itinapat ko ang palad ko sa kanyang mukha at itinaas ang aking kilay.

"Ahhh nevermind, ako na lang aalam. Eh ito kilala mo?"

Kinuha ko ang litrato na nasa bulsa ko saka pinakita sa kanya.

Nanlaki naman ang kanyang kamay at nanginginig na kinuha ang litrato sa akin.

"Kilala mo," saad ko. Tumango siya sa akin. Kitang-kita sa kanyang mukha ang panghihinayang habang nakatingin sa litrato.

"Natalia Yu. She is one of the candidate para maging Valedictorian."

"You seemed so shocked and scared? I wonder why," mapaglarong tanong ko saka tumayo at pumunta sa kanyang likuran at kinuha ang isang litrato doon.

Tinitigan ko ng mabuti iyon at muli siyang nilingon saka pahablot na kinuha ang litrato ni Natalia.

Pinagkumpara ko ang dalawa at napangisi ako.

"Kaano-ano mo siya?"

Dinig ko ang paghinga niya ng malalim saka iniiwas ang tingin sa akin.

"C'mon, 'di ko sasabihin sa iba."

Dumaan ang sandaling katahimikan at patuloy lang ako sa pagtitig sa litrato ni Natalia.

"She was my daughter." Saad niya na hindi ko na ikinagulat.

Nabasa ko kasi ang kanyang isipan bago ko pa man siya tanungin.

"She's dead," sambit ko at akmang aalis ng bigla siyang pumalahaw ng iyak.

Natigilan ako sandali at napailing.

"Help me find the culprit." Mahinang sabi ko na alam kong umabot din sa kanyang pandinig.

"So she's now interested huh?" Nakangising tanong ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"I heard her talking to our subject teacher about the dead students. Sa tingin ko po ay nag-iimbestiga siya pero hindi ko po alam kung sino ang kanyang kasama. Mukha pong pursigido siya para malaman kung sino ang salarin."

Itinaas ko ang aking kamay at sumenyas para lumabas siya na agad niya rin namang sinunod.

"Let's see if you can catch me, tsk!" Palatak ko.

I'm still enjoying but she was determined to know who I am.

"Blood, blood ,blood. Let's play hide and seek my dear," bulong ko habang nakatitig sa litrato niyang nasa aking lamesa. She's so predictable, as always.

Tumayo ako at pumunta sa opisina niya.

"Naging interesado sila sa mga patayang nangyayari." Bungad ko sa kanya. Inangat niya ang kanyang paningin at galit na tumingin sa akin.

"At proud ka pang sabihin sa akin 'yan? Kung nag-iingat ka walang makakaalam!" Sigaw niya sa akin. Nilagay ko ang isang daliri ko sa aking tenga dahil dumagundong ang napakalakas niyang boses.

"Can you please calm down? Sinadya ko talagang gawin 'yun simula ng nalaman kong nag enroll siya sa eskwelahan."

Umangat ang sulok ng kanyang labi at napangisi hanggang sa nauwi sa malakas na halakhak.

Napasimangot naman ako at bored na pinanuod ang kanyang pagtawa.

"Hindi ko alam na ganyan ang paraan mo para mapansin ka ng babaeng 'yun?"

I just shrugged my shoulder and was about to leave when he said something that made me mad.

"Kahit anong gawin mo, hindi pa rin mangyayari ang gusto mo dahil hindi iyon ang nakatakdang mangyari. Focus on finding her and stop that childish act!"

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon