I kneeled in front of the moon goddess, crying, desperately begging her to bring me to my mate. Ngunit nakatitig lamang siya sa akin, wala siyang imik habang pinagmamasdan akong umiyak.
I think I'm going crazy! The revelations! Locki is Victoire, and he's my mate! Ni hindi ko man lang naramdaman 'yun, ni hindi ko nalaman.
"Please... I want to see Locki. Please." Yumuko ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng dyosa, tumutulo ang luha ko sa lupa at nanlalabo ang aking paningin. Mababaliw ako sa pagsisisi dahil sa ginawa ko. I stabbed my mate, I killed him!
"Tumayo ka jan." Malamig na saad niya, agad na tumayo ako at pinahid ang aking luha.
Hinawakan niya ang aking braso gamit ang kaliwa niyang kamay, ang isang kamay niya ay gumagawa ng pabilog na asul na ilaw sa aming harap. Huli na ng mapagtanto ko ang ginagawa niya, isang portal.
Magkasabay na pumasok kami sa portal, nang tuluyan na akong makapasok ay agad na nakita ko ang mga halaman na kulay puti at asul, iyon lang ang nakikita kong kulay dito.
May mga nilalang dito na kulay puti mula buhok, hanggang sa kanilang kasuotan.
"Sumunod ka sa akin." Itinigil ko ang pagmamasid sa paligid at sumunod sa dyosa.
Naglakad siya patungo sa isang malaking puno na kulay ginto, iyon ang naiiba rito. Dumeretso sa paglalakad ang dyosa at nagulat ako ng bigla siyang naglaho, tumakbo ako patungo sa kinatatayuan niya kanina at natuklasan ko na nababalot pala ang puno ng isang invisible shield, at kung nasa labas ka ay hindi mo malalaman na isa lamang ilusyon ang gintong puno.
Patuloy sa paglalakad ang dyosa at para akong batang naliligaw habang nakasunod sa kanya.
Ang nilalakaran namin ngayon ay isang daan na kulay asul, sa dulo ay may gintong pintuan. Hindi ko alam kung isa nanaman ba iyong ilusyon.
Binuksan niya ang pinto at lumingon sa akin, tumango siya at sinenyasan ako na pumasok, na agad kong sinunod.
Natulos ako sa aking kinatatayuan ng makita si Locki, he looks so pale at hindi siya gumagalaw. Hindi ko napagtuonan ng pansin si Davian sa isang tabi at gulat na nakatitig sa akin.
Tumakbo ako palapit kay Locki at niyakap siya. Nag-unahan sa pagtulo ang aking luha habang yakap-yakap ko si Locki. Malamig ang kanyang balat at hindi ko maramdaman ang pagtibok ng kanyang puso.
"No... You're not dead. This is not real. Wake up please, open your eyes, Locki." Bulong ko sa kanya.
"He's dead." Umiling ako, hindi ako naniniwala sa sinabi ng dyosa na patay na si Locki.
I don't want to lose him. I don't want to lose my mate, and my other half. Masuyong hinalikan ko ang labi ni Locki, hindi alintana ang naguguluhan na titig ni Davian.
Sandaling binitawan ko siya at lumuhod sa harap ng dyosa, alam kong nagulat siya pero ito ang lang alam ko.
"I know you're the one who created us, buhayin mo si Locki please. Buhayin mo siya, hindi ko kaya na wala siya sa piling ko... Nagmamakaawa ako sa iyo. Pakiusap, ibalik mo ang buhay niya."
I heard her scoffed, "Ngayon mo lang nalaman ang kahalagahan ng aking anak para sayo? Kung kailan na wala na siya?"
Niyakap ko ang tuhod ng dyosa at muling nagmakaawa sa kanya.
"Hindi ko na maibabalik ang buhay ng mga namatay, hindi ko gagawin iyon, kahit na may alam akong paraan kung paano." Napatitig ako sa kanya.
"I don't think you deserve any of my sons." Mariin niyang sambit at iniwan akong nakatulala.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Davian sa aking pisngi, napasinghap ako dahil pakiramdam ko ay nalunod ako sa kailaliman ng tubig. Hindi ako makahinga, pinagmamasdan ko ang mukha ni Davian.
BINABASA MO ANG
Blood
Mystery / ThrillerWhat if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20